Jadine, Mayward bring kilig to 1st Eddys Awards; Vilma, Paolo Ballesteros win top acting trophies

IMAGE Allan Sancon

At the 1st Eddys, Boy Abunda (left) received the Joe Quirino special award. James Reid and Nadine Lustre (middle frame) performed the opening number while Maymay Entrata and Edward were some of the presentors at the ceremony.



Matagumpay na nairaos ang kauna-unahang The Eddys Entertainment Editors' Awards na ginanap sa Kia Theater Cubao kagabi, July 9.

Big winner ang Ang Babaeng Humayo na nakuha ang top awards bilang Best Picture at Best Director para kay Lav Diaz.

Ang Star For All Seasons naman na si Vilma Santos ang tinanghal na Best Actress para sa pelikulang Everything About Her, at si Paolo Ballesteros naman ang nagwaging Best Actor para sa Die Beautiful.

Hindi nakarating si Congresswoman Vilma dahil nasa ibang bansa ito. No show din si Paolo.

Samantala, si Angel Locsin naman ang nagwaging Best Supporting Actress para sa Everything About Her at si John Lloyd Cruz naman ang Best Supporting Actor para sa Ang Babaeng Humayo.

Sina James Reid at Nadine Lustre ang nag-perform ng song-and-dance number para sa opening. Isa sa mga kinanta at sinayaw ng Jadine love team ay ang "Perfect Strangers" ni Jonas Blue.

Ang former Pinoy Big Brother housemates na sina Maymay Entrata at Edward Barber ang ilan sa mga naging presentors sa 1st Eddys.

Sina Jodi Sta. Maria, Cristine Reyes, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Janella Salvador, at Elmo Magalona ang ilan sa mga presentors kagabi.

Pati ang ex-PBB housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo ay nagsilbing presentors rin.

Ang yumaong writer na si Joaquin "Jake" Tordesillas ay binigyan ng posthumous award ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang organizer ng Eddys Awards.

Ang mag-ama na sina Edu at Luis Manzano ang nagsilbing hosts ng awarding ceremony.






Narito ang buong listahan ng mga nanalo:

Best Documentary: Sunday Beauty Queen

Best Supporting Actor: John Lloyd Cruz

Best Supporting Actress: Angel Locsin

Best Musical Score: Everything About Her (Emerson Tecson)

Best Sound: Seklusyon (Lamberto Casas)

Best Theme Song: Saving Sally

Best Visual Effects: Seklusyon

Best Editing: Die Beautiful

Best Production Design: Die Beautiful

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Cinematography: Seklusyon

Best Screenplay: Everything About Her

Best Actor: Paolo Ballesteros

Best Actress: Vilma Santos

Best Director: Lav Diaz

Best Picture: Ang Babaeng Humayo

Manny Pichel Award: Lav Diaz

Producer of the Year: Mother Lily Monteverde of Regal Films

Joe Quirino Award: Boy Abunda



Stories We Are Tracking

Nora, Vilma, Ai-Ai lead Best Actress nominees for The Eddys
Nora, Vilma, Ai-Ai lead Best Actress nominees for The Eddys






Arjo Atayde and Yassi Pressman #Despacito #TheEddys #EddyWow ????

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN