Francis Magundayao gives message for next sidekick of Darna

IMAGE Noel Orsal

Francis Magundayao stars in Instalado, one of the entries of the 2017 TOFARM Film Fest to be held from July 12-18.



Kasama sa indie sci-fi film na Instalado si Francis Magundayao. 

Ito ay isa sa 6 entries sa 2nd TOFARM Film Festival na gaganapin mula July 12-18.

“I will be playing the role of Danny, Danny is a young Instalado. 

“Thirty or maybe forty years in the future, knowledge can be bought and can be installed sa mga tao. So Danny being a mayaman, had the opportunity to be 'installed,' as young as he is.

“So Danny is already a CEO of a big company.”

Sa tunay na buhay ba ay nais ni Francis na mangyari ito sa mga tao; ang maging “Instalado” o normal lang na buhay?

“Kasi when we say normal it would define parang what is common, di ba? Kung sa panahon na yan that is normal, I guess it’s okay. Kasi normal na yun, e.

“Continuous nag-e-evolve yung morality ng tao, so if this became normal, I think it would be okay and I think maybe, even necessary.

“Pero kung ako papipiliin I would have to say no kasi I really believe in the power of hard work, there’s a really big difference between just knowing stuff or talented, kesa mga hardworking people and I have always identified myself as a hardworking person instead of a talented kind of artist.”

Nakausap namin si Francis sa Novotel Hotel sa press launch ng 2nd Edition ng TOFARM Film Festival. Bukod sa Instalado, ang anim na pelikulang kasali sa film fest ay ang Sinandomeng, High Tide, What Home Feels Like, Baklad, at Kamunggai (Malunggay).


Stories We Are Tracking

Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
McCoy de Leon shoots topless scene for indie film
McCoy de Leon shoots topless scene for indie film




ON DARNA. Noong 2005 ay gumanap si Francis bilang si Iking, ang sidekick ni Darna na ginampanan ni Angel Locsin sa GMA-7.

Although kasali pa rin ang karakter ni Ding (bilang kuya ni Iking played by CJ Muere) sa naturang telefantasya, si Iking ang pinaka-sidekick ni Darna noon.

“Habambuhay ko siyang magiging Darna,” ang bulalas ni Francis tungkol kay Angel. Four years old raw si Francis noon.

Matagumpay ang Darna noon ni Angel sa GMA.

“Yes, alam kong very successful siya!”

At dahil muling lilipad si Darna sa katauhan ni Liza Soberano sa pelikula ng Star Cinema, may maipapayo ba si Francis sa kung sinuman ang gaganap na sidekick ni Darna?

“A, wow! Well, siguro payo, sa susunod na magiging sidekick ng susunod na Darna is to just do your role properly, you work punctually and believe in your artistry.

“Kasi naniniwala ako na may qualities talaga ang bawat aktor, so if he does it right, well, magkakaroon siya ng sarili niyang version ng Ding or Iking, okay na ako dun.”

Dahil naging malaking bahagi ng buhay ni Francis si Angel, ikinalungkot ba ni Francis na hindi na si Angel ang muling gaganap bilang Darna?

“Well siyempre kasi sobrang laki ng parte ni Ate Angel talaga sa akin, isa siya sa mga super-inspirations ko, sa acting saka sa buhay.

”Nalungkot ako! Honestly, sobrang nalungkot ako nung narinig kong hindi na si Ate Angel.

“Pero I believe in her decision of declining it, okay lang sa akin talaga kasi habambuhay naman siyang Darna para sa akin.

“So with Liza Soberano as the new Darna, I’m actually very excited kasi it’s a new breed of Darna, different version, younger, fresher.

“And I believe in Liza Soberano’s skills in acting, both in drama and romance so let’s see what she can do when it comes to being Darna.

“I’m really excited, I really wanna look forward to it.”

Naniniwala si Francis na may karapatan si Liza na maging “tagapagmana” ni Angel bilang Darna.

"I believe… naniniwala ako na yung mga namili sa kanya bilang bagong Darna alam kung ano ang kakayahan niya, e. So with that decision being made, yes I also believe in Liza Soberano.”

Sa tingin ba ni Francis ay kaya bang lampasan ni Liza ang nagawa ni Angel?

“I don’t think may kailangan siyang lampasan at all. Kasi sarili niya iyon, e. It’s her legacy. Wala siyang kailangang lampasan. She’s making her own, parang… title as Darna and with that I really hope the best for Liza Soberano as Darna.”

Paano kaya kung magpa-audition para sa leading man ni Liza, at si Francis ang napili, ano ang mararamdaman niya?

Tumawa muna si Francis bago sumagot…

“Mapa-flatter ako ng husto! Kasi sobrang daming fitting actors for that role and…

“Of course, I would be very honored and pressured at the same time.

“Siyempre ang magiging… well nung panahon ko, ang katambal ni Narda si Efren. Kung may Efren sa panahon ni Liza Soberano, siyempre mape-pressure ako, kailangan kong mag-ayos ng itsura.”

Si Dennis Trillo ang gumanap na Efren na siyang leading man noon ni Angel sa Darna.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Instalado actor Francis Magundayao at TOFARM Film Festival 2017 press launch.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN