Christopher de Leon on beauty queen daughter Mariel: "Sabi naman ni Coco aalagaan niya yung anak ko."

Christopher de Leon is excited for daughter Mariel for bagging the leading lady role in Coco Martin's movie, Ang Panday. He says, "It's an offer you cannot refuse. Medyo apprehensive siya when it comes to her acting. It's in her blood, so why not?"



Kampante si Christopher de Leon sa unang pelikulang gagawin ng anak niyang si Mariel de Leon bilang leading lady ni Coco Martin sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday.

Si Mariel ay katatanghal lang na Bb. Pilipinas International 2017.

Lahad ng batikang actor, “Sabi naman ni Coco aalagaan niya yung anak ko, he’s a nice guy.

“She’s in safe hands, yung offer as Coco Martin’s leading lady, it’s an offer you cannot refuse.

“Medyo apprehensive siya when it comes to her acting.

“But sabi nga ng one of my friends, even my mom said, nanggaling sa pelikula at telebisyon…

“Sa entertainment business ang pinakain mo diyan, it’s in her blood, so why not?
 
Ang ina ni Christopher ay si Lilia Dizon, isa sa mga popular na lead actresses noong 1950s.


   
PARENTAL TIPS. Wala mang karanasan sa pag-arte si Mariel, kuwento ni Christopher na excited ang anak para sa shooting ng Panday.
   
Aniya, “She is excited, very excited about the shoot.

“Wala, wala talaga, but this is a big offer, it’s not just one of those…

“Like in my case, they offered me Tinimbang Ka Ngunit Kulang, I didn’t say I didn’t want to be an actor.”

Ano naman ang payo at bilin nila ng asawa niya na si Sandy Andolong sa anak na tulad nila ay pumasok na rin sa pag-aartista?
   
Kuwento ni Christopher, “Yung mother niya laging sinasabi sa kanya, always respect the views of others.

“Ako naman in all her victories, stay humble, humility in victory.

“We’ve been talking to her about how to place yourself in front of two cameras, three cameras.

“Tips on how to deliver your lines, how to use your eyes, stuff like that.
   
“Pag nag-uusap-usap lang in the family room, yung mga ganun-ganun lang.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN