Ali Khatibi, husband of Cristine Reyes, on being an actor: "The money is also good."

Ali Khatibi: I'd love to do a movie, pero action talaga. Kasi nasu-showcase ko ang kaalaman ko sa mixed-martial arts, barilan."


Artista na rin si Ali Khatibi, ang mixed martial artist at asawa ni Cristine Reyes.

Pumirma na siya sa VAA (VIVA Artists Agency) at una niyang pelikula Double Barrel bilang sparring partner ni Jeric Raval sa action movie na ito ng Viva Films.

Lahad ni Ali, “Sinabi ko naman sa Viva dati, I’d love to do a movie, pero action talaga.

“Kasi nasu-showcase ko ang kaalaman ko sa mixed-martial arts, barilan.”

Naisip na raw niyang pasukin ang showbiz noon na hindi pa sila nagkakakilala ni Cristine.

Na-encourage din daw siya sa paniwala ng mga Viva executives sa kanya.

Aniya, “I’m an athlete at sina Boss Vic del Rosario, Boss VR (Veronique del-Rosario-Corpuz), ‘Bagay sa ‘yong mag-action, why don’t you try?’

“So far, nae-enjoy ko naman.”

At ngayong magkasama na sila ni Cristine sa industriya, “It’s a new journey for us.

“We’re still newlywed and it’s a new journey na ine-enjoy namin.

“Sinabi niya na may mga pros and cons, pero okey naman…susuporta siya.  

“‘If you wanna try that path, go for it, susuportahan naman kita.’”

Ano raw ang mga pros and cons?

“Siyempre, mai-scrutinize ka ng other people, wala ka ng privacy.

“And may masabi ka, mali ka.  I guess, public property ka.”

Ang maganda naman daw, “Sabi nga, you’re working on something that you love.

"And the money is also good… Maganda rin naman ang benefits of being an actor and an actress.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin daw niyang makasama sa isang proyekto si Cristine.

Nangingiting sabi ni Ali, “I’d love to work with my wife, I’ll learn from her.  

“Kung may chance na magka-trabaho kami together, go kaming dalawa.”

Nakausap si Ali ng entertainment press sa presscon ng Double Barrel na ginanap kamakailan sa Boteyju, Robinsons Galleria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN