Does John Lloyd consider Sarah Geronimo as "the one that got away"?

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz: "Sarah [Geronimo] has this magic, charm na hindi lang sa aming mga lalaki."


Apat na taon na ang nakalipas nang huling nagsama sa pelikula ang tinaguriang Blockbuster Royalty na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Sa bago nilang pelikula titled Finally Found Someone, kumawala muna sila sa mga karakter nila sa past box-office hits nilang A Very Special Love, You Changed My Life at It Takes a Man and a Woman.

May mga nag-isip na baka hindi na sila muling magsama pa sa isang pelikula na romcom pa rin ang tema. Dahil dito, sa grand presscon ng pelikula sa Dolphy Theater, naitanong sa AshLloyd love team kung paano sila napapayag na tanggapin ang proyekto na ito.

“Hindi naman kami pinilit. Parang you make it sound na pinipilit kami,” natatawang pagtatama ni John Lloyd.

Ayon pa rito, “It’s a big celebration. I love working with Sarah. I love our films together.  I love the process. I always look forward to working with her.  Bukod sa joy na nadadala niya sa akin, alam namin na marami kaming napapasaya.

“Ilang taon na kaming maraming napapaligaya dahil lang sa dalawang oras na sine. Bakit hindi mo gugustuhin yun, di ba?”

Nabanggit ni Sarah na umiiwas muna siya sa paggawa ng romcom.  Pero mukhang komedyante raw yata siyang talaga.  Hindi sumang-ayon si John Lloyd sa tinuran ni Sarah at sinabi nitong “hindi totoo ‘yan.”

Sa Star Cinema movie ba nilang ito, nadiskubre ba niyang hindi lang komedyante ang leading lady?

“I was totally blown away,” mabilis na sagot naman ni John Lloyd.

“Mahilig siyang...medyo may pagka-self-depreciating si Sarah, e.  Hindi niya alam na maganda siya, hindi niya alam na magaling siya. Parang ayaw niyang maniwala which I think, actually amusing.

“’Di ba, it adds more beauty to her personality.

“There’s one scene talaga that I was totally blown away.  Siguro for that scene alone, kailangan niyong mapanood ang pelikulang ito at take one lang yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga artista ngayon, ang uri ng pag-arte ni John Lloyd ang isa sa nababanggit sa mga acting classes o ginagawang peg ng mga artista.

Ano ang reaction ng ABS-CBN actor dito?

“Wala, hindi ko alam kung tama bang pinag-aaralan ang acting, lalo na yung acting ko. Naku, pag-isipan niyong mabuti kung tama ang ginagawa niyo, ‘wag,” natatawa na tila nahihiyang tugon niya.

Sabi rin niya, “Siyempre, medyo flattering siya.

“Depende, kanya-kanya. Kung para sa anong purpose. Kasi, may mga naririnig ako dati na merong ibang artista na masyadong nagagaya or siguro ano pa rin, maganda siyang pagdiskursuhan, pero hindi siguro para gayahin.

“Ang totoo naman nun, bukod sa ginagawa nilang effort na pinag-aaralan ang ginawa mo, mga ginawa mo noon, siguro yung kahit papano nagkakaroon ka ng konting—I don’t wanna say na impluwensiya, pero siguro konting guidance para sa mga aspiring actors din, na sana meron silang mapulot sa practice mo, sa dedication mo sa ginagawa mo.

“And ako kasi, napaka-importante, especially sa panahon ngayon, napakadaling maging artista. Pero sana yung craft, ‘wag mawala.  Huwag natin gawing secondary.  Kasi ang dami ngayon gusto lang sumikat, gusto lang makilala. Pero nakakalimutan yata paminsan-minsan yung essence ng ginagawa mo. Bakit ka ba nandito?”

 

THE ONE THAT GOT AWAY? Isang diretsahang tanong naman ang ibinato kay John Lloyd kung maituturing daw niyang sa lahat, si Sarah ang “the one that got away” sa buhay niya.

Pag-amin niya, “Hindi ako umabot sa point na nasabi ko yun—or siguro ayokong sabihin.

“Hindi pa, hindi pa... hindi ko pa nasasabi, I mean.”

Anong klaseng “happiness” ba ang nahuhugot niya kapag si Sarah ang ka-trabaho niya?

“Yeah, meron ka kasing—hindi ko alam, saan ka ba nabuo?” natawang tanong naman niya kay Sarah.

“Hindi lang naman sa akin, maraming tao ang mag-a-agree sa akin na si Sarah has this magic, charm na hindi lang sa aming mga lalaki. Dyusko, kahit sa mga Tita ko, sa Mommy ko, talagang she has this magic na hindi mo maipaliwanag na meron siyang nagagawa sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na parang kaya niyang baguhin ang araw mo.”

 

ON FINDING THE ONE. Base sa titulo ng pelikula nila na Finally Found Someone, kailan niya masasabing nahanap na nga niya ang "the one"?

“I don’t think you’ll know, e.  When it hits you, patay ka. Yun na yun. Totoo talaga, hindi ko alam kung paano.

“Sa pelikulang ito, ang daming sumampal sa aking realization, mga dialogue ni Sarah. Mga bigay niyang eksena namin na talagang mapapa-isip ka dahil—these are actually questions na pumapasok at dumadaan, pino-proseso mo sa utak mo.

“Hindi ko po alam,” saad pa rin niya.

“Siguro po ako umaasa na lang na one day, yun na yun.  One day po, hindi pa tayo nawawalan ng pag-asa.”

WISH FOR SARAH. Sa July 25 ang ika-29th birthday ni Sarah. Kaya hiningan si John Lloyd ng birthday wish niya para sa leading lady niya.

Ayon kay John Lloyd, “Ako, sana yun lang, kung ano ang nagpapaligaya sa ‘yo, kung anuman ang nagbibigay ng ligaya sa ‘yo, kung sino man yun, kung tao man yun or bagay, sana lagi siyang nandoon.  Sana lagi kang kayang—although minsan, feeling ko parang masyado ng overrated ang happiness, sana lang ano, gaya lang ng the one that made so much impact dito sa aming ginawang pelikula, yun nga sa akin, yun bang masabi mo—naku nalilito ako.

“In simple ways, gusto ko lang lagi okay ka.

“Alam ko na hindi perfect ang buhay.  Hindi perfect ang kahit na anong bagay.  Sana at the end of the day, okay ka.  Malungkot ka man, may pagdaanan ka man, at the end of the day, sana okay ka.”

Dugtong pa ni John Lloyd, “Meron pa kong idadagdag. Kasi si Sarah noon, naikuwento niya sa akin na talagang gusto niyang i-pursue ang singing.

“Noong mga time na hindi siya gumagawa ng pelikula, parang gusto niyang i-pursue ang singing at talagang gusto niyang ma-exercise ang creativity sa kanyang craft, sa kanyang music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sana talaga, ma-exercise niya yun. Kung anuman ang gusto mong ma-achieve in-terms of your music, sana maabot mo. Kasi, iba rin ang artistic growth, e.

“Ang artistic growth can actually lead your life and give you choices na talagang gugustuhin mo for the rest of your life. Sana masunod.”

 


Stories We Are Tracking

John Lloyd says this quality
John Lloyd says this quality "adds more beauty" to Sarah G
Sarah gets close to John Lloyd in Finally Found Someone
Sarah gets close to John Lloyd in Finally Found Someone




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN