Will Awra play Ding in Liza Soberano's Darna?

IMAGE Noel Orsal


Lilipad na si Awra Briguela.

Mula sa pagiging sidekick sa Ang Probinsyano, bida na si Awa bilang si Amazing Ving sa Wansapanataym na magsisimula ng mapanood ngayong Linggo, July 23, sa ABS-CBN.

Pero bago niya nakuha ang proyekto, may mga spekulasyon na gaganap ang tinaguriang Breakout Child Star bilang Ding sa Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Itinanggi ni Awra na may offer sa kanya na gumanap bilang si Ding sa upcoming movie ng Star Cinema.

Ayon kay Awra, “Hindi po totoo na inofferan ako na mag-Ding. Kasi ako po talaga, hindi ko ine-expect, hindi ako nag-o-overthink na magiging Ding ako. Unang-una, hindi bakla si Ding.

“Ibang-ibang personality niya sa personality ni Awra kaya hindi po ako nag-o-overthink or nag-e-expect na offeran ako na maging Ding. Pero I wish and nagpi-pray ako na sana, offeran nila ko kahit iba yung ano ni awra kay Ding.”

Sabi naman namin kay Awra, hindi man siya maging Ding, e, superhero na nga ang ginagampanan niya bilang siya ang bida sa Wansapanataym: Amazing Ving.

“Opo, sobrang bongga po talaga. Hindi siya basta ano si Ving talaga,” masayang sabi ng 13-year-old teen star.

Nasa Ang Probinsyano pa rin si Awra kahit na may bago siyang show. Kaya may mga pagkakataon talaga na lagare siya sa taping.

Aniya, “Hectic po kasi may Ang Probinsyano, may Ang Panday and may Wansapanataym. By the way kahit ganun, super happy kasi love ko ang trabaho ko.”


PLAYING A SUPERHERO. Ano ang reaction ni Awra nang malaman na magiging Superhero siya? 

“Super ano po, super happy kasi hindi ko talaga nae-expect na kaya kong mag-action, mag-harness. Yung mga nakaraang ginagawa ko, puro acting lang, pagpapatawa.

“Dito po, na-excite ako agad dahil hindi ko na-imagine na kaya ko rin palang mag-harness, makipaglaban, mag-action.”

Ano ba ang pinaka-amazing na katangian niya bilang si Awra talaga?

“Masayahin,” saad niya.

“Ang tanging hangad lang ay makapagpasaya ng tao. Yun lang po, tapos palagi pong makipag-kaibigan, makisama.”

Hindi pa ba siya napagbabago ng kasikatan niya ngayon?

“Siguro po may nagbago. Kasi noong dati pong hindi pa hectic ang schedule ko, nakakadalaw pa ko sa amin, nakakapag-laro pa ko sa mga kaibigan ko.

“Ngayon po, sobrang busy na. Minsan hindi po ako makadalaw, makauwi sa family ko. Siguro yun lang po ang nagbago.”

Sa ugali niya, wala namang nagbago at nagsasabing baka yumabang o lumaki na ang ulo niya?

“Hindi ko po alam,” tapat naman niyang sagot.

“Ako po kasi ipinapakita ko lang kung ano ang nararamdaman ko. Ayokong magtago o makipag-plastikan. Kung ano po ang nararamdaman ko, sinasabi ko po. Pero hindi naman po yun pagiging mayabang. Siguro po yung iba yun ang nakikita nila kasi sinasabi ng iba rin na baka naiinggit lang, gusto kang siraan.”


ENVIOUS STARS? Wala pa rin naman daw pagkakataon na kinausap siya ni Coco Martin at sinabihan na may pagbabago na siya.

“Hindi pa naman po,” saad niya.

Inamin ni Awra na minsan nararamdaman niyang may naiinggit sa kanya, pero hindi naman daw mga kapwa niya artista.

Aniya, “Hindi naman po artista.

“Lahat naman po siguro ng child stars ngayon may kaniya-kaniyang genre.”

Kasama ni Awra ang kanyang ang P.A. sa sa condo unit na provided ng Dreamscape.

Biniro tuloy siyang “star” talaga siya dahil sagot pa ng Dreamscape ang condo niya.

“Lahat naman po ng babies ng Dreamscape. Si Ligaya, si Paquito, pa-condo po. Si Onyok din po, pa-condo rin po.”

Bakit inunahan pa niyang lumipad si Darna?

“E, wala, e, dami nang nag-aabang, unahan na natin. Tutal naman hindi ko rin naman matatalo si Darna. Siguro naman tapos na ‘to kapag lumipad na si Darna,” sabi naman niya.

Dugtong pa ni Awra, “Pero hindi ko naman po siya inunahan. Nagkaroon lang po ng time na nauna po ako.”

Kumpara sa ipinapakita niya sa primetime serye nilang Ang Probinsyano, ibang Awra naman daw ang mapapanood sa kanya sa Wansapanataym: Amazing Ving.

Sabi nga niya, “Ibang-iba po rito.

“Dito po, mapapaisip po kayo kung lalaki ako o bakla. Dito po, yung character ko, hindi mo na kailangang pag-usapan kung bakla o lalaki. At more matatawa pa po kayo lalo na at ka-eksena ko si Tito Roderick Paulate.

“Dito rin po makikita niyo po yung action po na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko.”


ON RODERICK. Si Roderick Paulate ang gaganap na supportive father ni Awra sa Amazing Ving.

Ang tanong, alam ba ni Awra na maituturing ng institusyon din ang kasama niya ngayon sa Wansapanataym?

“Opo,” mabilis naman niyang sagot.

“Kasi po noong bago po ako mag-taping ng Ang Probinsyano, pinanood po sa akin ni Kuya Coco si Kuya Dick sa Bala at Lipstick, yun daw po ang bagay sa akin.

“Kasi di ba una, lalaki po ako, tapos magka-crush ako sa kanya. Pinanood po sa akin ni Kuya Coco yun at sabi niya, ganun ang gawin mo i-peg mo kasi, yun ang bagay sa ‘yo.

“Noong nalaman ko po na siya ang magiging Daddy ko, sobrang na-excite po agad ako. Grabe, super iconic po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN