Abra cast as rapper-turned-drug runner in Cinemalaya 2017 entry Respeto

IMAGE Mark Atienza

Rapper Abra will topbill the Cinemalaya 2017 entry Respeto.


 

Sa unang pagkakataon, sasabak sa isang acting project ang rapper na si Abra.

Bibida ang rapper sa pelikulang Respeto ni Treb Monteras II, na isa sa mga entries sa 2017 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ayon kay Abra, napapanahon ang pelikulang ito dahil tungkol siya sa isang lalaki na naging drug runner dahil sa kanyang pangarap na maging rapper.

“You could say sa unang tingin na para lang siya sa mga rap heads.

“Pero para siya sa lahat.

“Yung panahon ng tokhang, yun yung sitwasyon ng character ko.

“Nangangarap siya mag-rap, kaya nagbenta siya ng droga.

“Kailangan niya kasi ng pambayad nung entrance fee sa rap event niya.

“Yun yung conflict. Exciting siya.”

Inamin ni Abra na kinailangan niyang mag-workshop bago magsimula ang shooting ng Respeto.

“Tiningnan lang nila kung kaya kong i-pull off yung ilang eksena.

“Nung sumalang na ako sa shooting parang hinayaan na nila ako.

“Naging smooth naman yung proseso kahit papano kasi rapper talaga ako.

“Nahirapan lang ako sa mga dramatic scenes.

“Sa mga music videos kokasi nagpapatawa lang ako. Sa moviekinailangan kong maging expressive, sobra.

Ayon sa direktor ng Respeto, tuwang-tuwa sila ng production staff nung pumayag si Abra na gumanap bilang si Hendrix, ang lead character ng Cinemalaya 2017 entry.

“When we were writing the script, the role was based on him,” ani Direk Treb.

“Marami nang nag-alok kay Abra ng pelikula. Ngayon lang siya pumayag.

“Siguro kasi nakita niya yung sarili niya sa character.”

Nag-enjoy si Abra sa paggawa ng Respeto, pero tila ayaw na niya gumawa pa ng pelikula.

“Mas mahahanap niyo ako sa mundo ng music.

“Maglalabas din ako ng dalawang album by the end of this year.

“Babalik din ako sa rap battle scene kasi miss na miss ko na siya.

“Nakakapagod din kasi yung proseso ng pag-shoot ng pelikula.

“Kung gagawa man ako ng isa pa, sana wag na masyadong ma-drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung action movie 'yan, sige.

“Pero sa ngayon mas music talaga ang nasa plano ko.

“Sana suportahan ako ng mga tao,” aniya.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN