AJ Muhlach on his bare-all movie Double Barrel: "Nu'ng naka-underwear ako, parang bakat..."

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2017
AJ Muhlach says his bare-all movie Double Barrel is not in conflict with his religious belief: "Karakter naman 'yon, walang problema." He agreed to wear "bacon underwear" for his running scene in this action movie.


Active member si AJ Muhlach ng Iglesia Ni Cristo, at wala raw conflict ang kanyang relihiyon sa daring scenes na ginawa niya sa Double Barrel, ang launching movie nila ni Phoebe Walker.

Aniya, “Hindi ko naman gagawin yon sa totoong buhay, karakter naman ‘yon, walang problema.”

Pero may pressure raw kay AJ ang pagbibida nito sa pelikulang ito ng Viva.

Nakumbinsi raw siya ng direktor na si Toto Natividad na “bacon underwear" lang ang suot niya sa isang eksena kaya kailangan daw niyang magpapayat.

Pumayag din siya na butasan ang kanyang kilay para sa eyebrow ring na ipinagamit sa kanya.

Tatlong araw raw na kinunan ang scene sa tatlong locations sa makikitid na eskinita sa Navotas City.

“Nu’ng naka-underwear ako, parang bakat… naaaninag yung linya.

“Nu’ng second day na, nilagyan ko na lang ng tissue sa ibabaw.

“Before mag-take, naka-brief na ako, tinatakpan lang ako ng wardrobe staff ng tuwalya.

Continue reading below ↓

“Before mag-take, tatakbo na ako, tatanggalin ko na yung tuwalya.

May mga detalye pang isinawalat si AJ sa presscon ng Double Barrel.

At para makita ng press ang pinaghirapan ng aspiring actor na ma-achieve, natatawang hinubad nito ang kanyang shirt sa kalagitnaan ng presscon.


Read Next
Read More Stories About
AJ Muhlach, Double Barrel
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Muhlach says his bare-all movie Double Barrel is not in conflict with his religious belief: "Karakter naman 'yon, walang problema." He agreed to wear "bacon underwear" for his running scene in this action movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results