Alessandra-Empoy movie Kita Kita grosses P100 million, according to Spring Films

IMAGE Noel Orsal


Isang certified blockbuster hit ang Kita Kita starring Alessandra de Rossi at ang komedyanteng si Empoy.

Ayon sa isa sa mga producers na si Erickson Raymundo, as of 7 pm ng July 26, umabot na ng P100 million ang box-office gross ng indie film na produced ng Spring Films.

Kabilang si Piolo Pascual sa kumpanya na nag-finance ng Kita Kita.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Piolo noong nakaraang Linggo sa ASAP, tinanong namin ang aktor kung ang mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula ay higit na nagbibigay inspirasyon sa kanila ngayon para mas gumawa pa ng mas makabuluhang mga proyekto.

“We actually have a meeting right now with Spring Films, we have three movies in the pipeline and these are bigger projects. Same, same, same energy, same enthusiasm yung maramdaman namin pati yung mga tao na makapanood sa amin.”

“You never give up on anything. While you’re still living, there’s still a chance for you to give your best, to make it better for you next. Sige lang ng sige hanggang kaya.”

Nagpahayag ng pasasalamat si Piolo sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Kita Kita.

“Sobrang nakakataba naman ng puso na you know na so many times we tried, so many times we think na di talaga magwo-work but it’s a good feeling to be able to have something like this--yung suportahan ka ng tao and ma-appreciate.

"Since Day 1, we already believed in the material, bottomline is we wanted to share beautiful movie with a lot of people and that’s what happened. We’re really thankful, we’re grateful for the opportunity they gave the production, the team, the movie coz it’s not for us naman but really for the audiences, sa mga manonood ng mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a visual dream and we’re happy coz they appreciate it.”

Aminado naman ang ABS-CBN actor na sa pagpo-produce niya ng mga pelikula, bilang producer at negosyante ay nandun ang hiling at pagnanais niya na kumita ang mga ginagawang mga proyekto pero kung hindi man suwertihin na kumita ang isang pelikula na nagawa ay hindi ito sapat na dahilan para huminto sila.

“Lahat naman ng ginagawa natin gusto nating kumita and we always expect for the best. Kung hindi man, kahit masakit man you have to pick up the pieces and move on.

"But we did, it’s really just overwhelming coz we’re just relying on word of mouth, wala naman kaming mga back in na malaking studio. Good thing people take this up but the morning, in the meeting we’re happy because of the support they are giving us especially ABS-CBN, mga guestings and all. Yung mga artista din na nagbibigay ng suporta nila, we’re only just want to put the film out there for people to appreciate it.”

Kumpirmado din ngayon na nagdagdag ng sinehan ang ilang theater owners kung saan may ilang mga Hollywood movies ang nakuha nila ang slots.

“Yes, actually na-double siya from Day 1 this weekend so ibang klase. Wow!

"Ibang klase, ibang klase yung pagdagdag ng sinehan, yung mga theater owners na ang nagdadagdag dahil we’re haggling for at least additional cinemas pero bilang independent tayo walang ganun but may clamor tayo so sila na ang nagbalik sa mga sinehan, yung mga English movies.

"Sarap lang, sarap lang sa pakiramdam.”



Stories We Are Tracking

AlEmpoy movie Kita Kita earns P90 million on first week
AlEmpoy movie Kita Kita earns P90 million on first week
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita
Piolo Pascual:
Piolo Pascual: "Hindi kailangan lahat ng leading man guwapo."
Did Piolo regret pulling out Alex-Empoy movie from MMFF?
Did Piolo regret pulling out Alex-Empoy movie from MMFF?


ON MOVIE WITH TONI. Kinumusta din namin kay Piolo ang pelikulang pagtatambalan nila muli ni Toni Gonzaga pagkatapos ng tagumpay ng una nilang pagtatambal sa Starting Over Again.

“Malapit na, last six days shoot na kami. Masarap, exciting din yun, mahirap pero worth it naman. September naman yun hopefully.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON SON INIGO. Hanggang sa ngayon ay No. 1 pa rin sa Billboard PH Top 20 chart ang kanta ni Iñigo, ang "Dahil Sa Iyo."

Katatapos lang din ng digital concert ng anak kung saan sold out ito. Ayon kay Piolo ay proud na proud siya sa achievements ng anak.

“Six weeks nang No. 1 sa Billboard. Di mo matatawaran yun, it’s not by votation, so it’s all about live streaming, digital streaming so wala talaga kumbaga walang daya.

"For you to get to vote it in No. 1 status and hold it for a long time, I am really happy for my son to finally found his niche in music. He’s inspired to do more music.

“I’m always his worst critic but I am also his best supporter. I want him be to at his best, sobrang natutuwa because he came out of his shell, he was able to dance, host, sing at the same time.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN