Sarah explains why she said in blooper reel: "Kiss ko na 'to [John Lloyd] para tapos na!"

IMAGE Allan Sancon (Sarah)




Matapos manalo ni Jona Soquite, ang pambato ng kanyang kampo sa The Voice Teens, humarap si Sarah Geronimo sa media at ibinahagi ang kanyang tuwa sa kinalabasan ng ABS-CBN reality singing competition.

Matatandaan na noong Knockout Rounds, marami ang bumatikos kay Sarah matapos niyang piliin si Jona na magpatuloy sa Live Shows.

Pero dahil sa pagkapanalo ni Jona, tila na kay Sarah ang huling halakhak.

Nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa mga hindi natuwa o hindi sumang-ayon sa desisyon niya, natawa lang si Sarah.

“Sanay na ako sa kanila,” aniya.

“Ganun talaga, lahat may kanya-kanyang opinion at nirerespeto ko yun.

“Pero kitang-kita niyo naman kung gaano kagaling yung bata.

“Mahusay si Jona. Marunong makinig at hindi kailanman nagmayabang.

“Hindi rin siya yung typical na biritera, napaka-versatile niya.

“Kahit anong kanta ang ibigay mo sa kanya kaya niyang gawin.”

Bukod sa pagkapanalo nila ni Jona sa The Voice Teens, meron pang isang dahilan para magbunyi ang Popstar Princess.

Naka-P100 million na sa box-office ang pelikula niyang Finally Found Someone ng Star Cinema, kung saan balik-tambalan sila ni John Lloyd Cruz.

Sunud-sunod ang dating ng swerte kay Sarah. Maging siya mismo ay hindi makapaniwala dito.

“Hindi ko ine-expect na mangyayari ang lahat ng ito. Sobrang wow.

“Kahit masama ang panahon, sinuportahan pa rin kami ng mga tao.

“Bumabagyo pero nagpunta pa rin sila sa mga cinema para sa amin.

Abot-abot ang pasasalamat ko sa Diyos. I feel so blessed.”


KISS WITH JOHN LLOYD? Kinilig ang ilang netizens sa blooper reel na mapapanood sa dulo ng Finally Found Someone, kung saan binitawan ni Sarah ang salitang, “Kiss ko na ‘to [John Lloyd] para tapos na!”

Ayon kay Sarah, biro lang daw yun.

“Kung mapapansin niyo kasi, lahat ng eksena namin ni Lloydie laging almost kiss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tipong konting-konti na lang magkadikit na kami, tapos wala.

“So nung time na yun sa set, sabi ko, ‘Mommy! Kiss ko na ‘to!’

“Pero siyempre wala lang yun. Nagbibiro lang ako,” paliwanag ni Sarah.


MISS GRANNY. Bukas ang singer-actress na gumawa ng isa pang pelikula kasama si John Lloyd, pero sa ngayon ay magiging abala muna siya sa Filipino adaptation ng Korean film na Miss Granny.

“Mag-mi-meeting pa lang kami ni Direk Joyce Bernal.

“Magiging challenging yung Miss Granny kasi ako lang po ang magdadala.

“May makakasama akong ibang artista pero wala akong ka-love team.

“Ako lang ang lead, so doble-doble ang pressure sa akin.

“Pero ang mindset ko kasi is ibibigay ko lang ang best ko.

“Yun ang importante.

“Kapag binigay mo ang puso mo, sa isang project, okay na yun kahit hindi siya maging successful.

“Pero sana suportahan pa rin ako ng mga tao.”



Stories We Are Tracking

Jona Soquite named as first winner of The Voice Teens
Jona Soquite named as first winner of The Voice Teens
Finally Found Someone grosses P100 million, says Star Cinema
Finally Found Someone grosses P100 million, says Star Cinema
Sarah admits she had a crush on John Lloyd while doing AVSL
Sarah admits she had a crush on John Lloyd while doing AVSL
REVIEW: Sarah, John Lloyd save Finally Found Someone
REVIEW: Sarah, John Lloyd save Finally Found Someone





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN