Lovi Poe reveals why she felt awkward with Vhong Navarro and former PBB housemate Cora Waddell

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe on Woke Up Like This leading man Vhong Navarro: "Kailangang ipakita namin na may gusto kami sa isa't-isa."



Para kay Lovi Poe, awkward sa kanya ang ilang eksena nila ni Vhong Navarro sa kanilang Regal Entertainment movie na Woke Up Like This.

Bakit siya nakaramdam ng awkwardness?

“Simpleng bagay lang po,” sabi ni Lovi.

“Kailangang ipakita namin na may gusto kami sa isa’t-isa. May mga scenes na hindi mo naman kasi maiaarte lang yun na alam mo yun, titingin ka lang sa isang tao.

“You have to make people believe that you like. Lalaki ang kilos ko, tapos nagkakagustuhan kami ni Cora [Waddell]. It’s just awkward for the both of us because siyempre, it’s first time for me to do these kind of scenes, e. Yung bilang lalaki, tapos nagdyu-joke-an pa kami ni Cora. Awkward lang po.”

Dugtong pa niya, “Sa simpleng titigan lang, awkward na siya. Kasi, we want it to look real.”

Bukod sa nag-uusap daw silang talaga ni Vhong dahil naiisip din niya na baka ma-exaggerate niya ang pag-atake niya sa karakter niya, may araw na inobserbahan lang daw niya si Vhong.

Nagising na lang kasi silang nasa katauhan na nila ang isa’t-isa.

“Kasi baka ma-exag ko masyado. Kailangan talagang magtulungan sa ganitong klase ng role. May isang time nga, pumunta pa ko sa set para lang mabantayan si Vhong, ganun din siya sa akin.

“We made sure na nag-effort kami.”

Aminado naman si Lovi na drama talaga ang forte niya at ngayon lang niya sinubukan ang comedy.

“Comfort zone ko po talaga ang drama. Kumbaga, parang sanay na sanay na kong umiyak. And this one is something really different for me.”

Sabi pa niya, “Nag-enjoy talaga ko and after that, nag-loosen-up na ko. Kasi, when I’m in front of the camera or when I’m in front of people especially kapag hindi ko pa masyadong kilala, sobrang mahiyain talaga ko.

“Ngayon, medyo nabawasan yun ng konti. Konti lang,” natawang sabi niya.

Nagkasama na rin sila ni Vhong sa Shake, Rattle & Roll XVI. Pero ngayon lang daw talaga sila nagka-usap.

Paano niya nakilala si Vhong ngayong nagkasama nga sila sa Woke Up Like This?

“Of course, alam naman natin na he’s so funny. Pero in real-life, yun ang pinakamahalaga, e, yung funny ang kasama mo. Ako, I would always want to be around people who is so funny.

“And that what I really do a lot, tawa lang ako ng tawa. Bungingis kasi akong tao. That’s why mahirap akong kasama sa comedy, that’s what I will really do the whole time, tatawa na lang ako.”

“And being with Vhong is already a great experience for me.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN