Angelica reveals the one condition that Angel Locsin asked before accepting project with her

IMAGE From Instagram account of Angelica Panganiban

Angelica Panganiban (right) to Angel Locsin: "Love you mars!" They will co-star with Richard Gutierrez in the upcoming movie titled Wife Husband Wife.


Nagsimula nang mag-shooting si Angelica Panganiban at Angel Locsin para sa kanilang upcoming reunion movie.

Titled Wife Husband Wife, ang movie na ito ay dalawang ABS-CBN actresses ang former GMA-7 actor na si Richard Gutierrez.

Huling nagkasama sina Angelica at Angel para sa 2012 Metro Manila Film Festival entry titled One More Try.

Si Richard naman ay leading man ni Angel sa 2007 romance drama na The Promise.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angelica ng picture nila ni Angel na nagtatawanan sa loob ng isang sasakyan.

Nagbigay ng mensahe si Angelica sa kanyang co-star at sinabihan ng "love you mars!!!"

Narito ang caption ni Angelica: "Kahapon naman... ang isa ko pang kaibigan ang kasama ko. @therealangellocsin nakakatuwa na makatrabaho ka ulit. Parehas nating hindi to inakala. love you mars!!! Mahigpit na AKAP para kay marielle at deena papatawanin lang kita lagi tuwing shooting naten basta walang ipis ah!!!"

Bukod dito, may isa pang movie na ginagawa si Angelica kunsaan makakasama naman niya si Judy Ann Santos. Titled Ang Dalawang Mrs. Reyes, ang comedy film na ito ay sa ilalim ng direksiyon ng Die Beautiful  director na si Jun Robles Lana.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angelica, tinanong siya kung nahirapan siya na magkaiba ang characters na gagampanan niya sa pelikula.

“Hindi bipolar naman ako, kayang-kaya naman," paniniguro ni Angelica.

"Saka masaya naman kasi ang mga taong katrabaho ko, ang pinakaimportante siguro sa lahat, yung isang magaan kahit yung isa medyo mabigat, at least medyo nakakahinga-hinga ka. Kalahating taon na rin naman ako nakapagpahinga kaya na uli.”

Nagsimula na ang shooting ng pelikula nila ni Angel.

Ayon kay Angelica ay wala na silang sampalan sa pelikulang ito para maiwasan na rin yung nangyaring di pagkakaunawaan nila ni Angel dahil naging makatotohanan ang confrontation scenes nila dati sa pelikulang One More Try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, nag-first day na kami ni Angel kahapon. Nakakatuwa naman, masaya naman siya. Siguro kasi naguumpisa pa lang siya kaya medyo magagaang pa yung mga eksenang ginagawa namin. Maganda naman yung break in ng unang araw namin."

Nang tanungin kung may eksena silang sampalan sa movie nila, nilinaw ni Angelica:

“Sampalan? Wala kami ha, iniwas na yata. Iningatan na saka parang ayaw niya, yun yata yung request niya para umoo siya. Sabi ko naman okay.

“Drama siya, ito ang dramang handog ng Star Cinema para sa taong ito.”

Sa Instagram post ng Star Cinema tungkol sa look test ng mga bida, ang title ng reunion movie na ito ay Wife Husband Wife. Pinakita si Angelica Panganiban at Richard Gutierrez na may hawak na mga cellphone samantalang nakatingin sa camera si Angel Locsin.








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN