FDCP inks agreement with SSS, Philhealth, and Pag-ibig to address social protection for film workers

IMAGE Noel Orsal

Panahon na upang mapangalagaan ang kapakanan, kasiguruhan, at kalusugan ng mga manggagawa sa pelikulang Pilipino kaya naman nakipagkasundo ang FDCP sa SSS, Philhealth, at Pag-ibig upang maisakatuparan ang National Registry para sa film workers. 



Pumirma ng kasunduan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) kasama ang Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Pag-ibig Fund upang mas madali nang matugunan ang social services protection ng mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ayon kay FDCP chairperson and CEO na si Liza Diño, noong pumasok daw siya sa ahensiya, gumawa siya agad ng dialogue sa iba’t-ibang sektor ng industriya upang malaman ang kinakailangan ngayon ng mga manggagawa sa pelikula.

Aniya, “Kinunsulta po namin ang mga partner agencies like FAP [Film Academy of the Philippines] and they are participating.

"In this event, nagkaroon po kami ng meeting with all the existing guilds and with Sir Leo Martinez [FAP director general], sila din po ang nag-a-ask sa amin if puwede ba ang FDCP ang mag initiate ng film workers summit.”

Malaking tulong daw ito upang ang lahat ng film workers ay may maasahang benipisyo sa hinaharap.

Mapapadali daw sa binuo nilang National Registry na makapag-rehistro ang mga film workers upang maging miyembro sa tatlong sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa kalusugan at kasiguruhan.

Kabilang sa dumalo sa contract signing sina Pag-ibig Fund Vice President of NCR Southwest na si Olivia Zerudo, Senior Vice President ng SSS na si Judy Frances See, Vice President and Philhealth spokesperson na si Dr. Ish Pargas.


Magkakaroon ng National Film Workers Summit mula August 30-31 sa University of the Philippines Film Institute upang mapag-usapan ang panuntunan ng kanilang kasunduan kung saan dadaluhan din ito ng ilang mambabatas na maaring mag-akda ng batas tungkol dito.

Para makapag-register sa summit, mag-log in lamang sa www.pistangpelikulangpilipino.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN