Rapper Abra excited for his first indie film Respeto

IMAGE Noel Orsal

Rapper Abra performed his songs "Diwata" and "Pantasya" at Coke Studio PH launch last July 29, at the SMX Convention Center in Pasay City.


Ikinatutuwa ng Pinoy rap artist na si Abra na mabibigyang pansin ang rap genre sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2017 entry na Respeto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Abra backstage habang nag-iintay ng sa kanyang set sa launch ng Coke Studio PH sa SMX Convention Center noong, July 29.


Ayon sa 26-year-old rapper/musician, siguradong mapapahanga ang mga makakanood ng kanilang pelikula dahil sa galing bawat artista na kasama dito, maging ang kanilang direktor na si Treb Montreras II.

Ani Abra, "Nakakatuwa dahil ano siya, passion project talaga. Lahat ng nag-ambag dito, gusto nila pagandahin talaga yung pelikula para sa ikabubuti ng kultura ng rap sa Pilipinas.

"It was put into good hands kasi maganda... nakita ko na yung edit. Hindi ko pa nakikita yung final pero mukhang solid."

Dagdag pa nito, "Astig si direk! Talagang ginalingan niya sa movie na ito pati na rin yung ibang mga artista dun, ang galing!"

Ito ang unang pelikulang pagbibidahan ni Abra. Matatandaang napabilang rin ito sa cast ng Kubot: The Aswang Chronicles na pinagbidahan naman ng GMA-7 actor na si Dingdong Dantes.

Kwento ni Abra tungkol sa Cinemalaya 2017 entry niya na Respeto, "Rap movie siya na tungkol sa sitwasyon ng rap sa Pinas, sa present time. Tungkol sa struggles ng isang nangangarap na maging rapper pero marami siyang kailangang pagdaanan.

"Andun din si Loonie at saka marami pang ibang magagaling na aktor at aktres."

Henrix ang karakter na gagampanan ni Abra na aspiring rapper-turned drug runner.

Kwento nito, "Ano siya, bandang 18 years old na binata at na ngangarap na i-pursue yung passion niya para sa rap. Pero held back siya ng mga sitwasyon niya sa buhay kung saan kailangan niyang mag-run ng mga droga... para meron siyang extrang pera makapag-entrance sa mga rap battle events.

"Yun yung struggle niya, parang paano ka mabubuhay ng ganun at the same time, susundin mo yung gusto mong gawin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos may makikilala siyang beteranong mambabalagtas, so yung veteran poet na yun, dun siya makakakuha ng idea kung paano niya i-improve yung rap niya."

Medyo naka-relate din si Abra sa kanyang character dahil halos magkapareho daw ang mga ito.

Pahayag nito, "Medyo hawig siya sa kung sino ako, so steady lang. Iba lang yung mga pinagdaanan sa buhay at saka yung makikita niyong struggles ni Henrix, yung pangalan nung character dun sa movie."

"Basta ano siya, grabe, ang dami namin ginawa!"

COKE STUDIO PH. Samantala, kasama rin si Abra bilang featured artist sa Coke Studio, isang music show na ipinapalabas sa TV5 tuwing Sabado, 7 pm.

Kwento ni Abra sa PEP, "Isa [ako] sa mga naimbitahan para magtanghal ng musikang Pilipino na rap o hip-hop."

Sa launch ng show, nagperform din si Abra ng ilan sa kanyang mga kanta kabilang ang "Diwata" at "Pantasya."

Bukod sa kanyang performance sa music fest, mapapanood din si Abra bilang featured artist sa isa sa mga upcoming episode ng Coke Studio.

Aniya, "Meron, meron. Abangan niyo kung sino yung mga ka-kolabo [collaborate] ko. Maganda yung mga ginawa namin na mga bagong kanta."

Bukod kay Abra, ang iba pang OPM legends and upcoming artists at upcoming artist na kabilang dito ay sina Noel Cabangon...


Rapper Curtismith...


Gracenote...


singer-composer Ebe Dancel...


Autotelic...


singer-songwriter Reese Lansangan.


Kasama rin ang iba pang OPM bands at artist tulad ng Moonstar88, Jensen and the Flips, Sandwich, BP Valenzuela, Gabby Alipe and John Dinopol of Urbandub, The Ransom Collective, at Franco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN