Vilma Santos to be proposed to be named National Artist for Film

Fans are advocating for Vilma Santos-Recto to become a National Artist for Film.


Susubukang ipasok muli ang nominasyon ni Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto bilang National Artist for Film.

Ang president ng grupong VSSI (Vilma Santos Solid International, Inc) na si Jojo Lim ang nagbalita nito kay Congresswoman Vilma habang kausap sa telepono.

Nag-usap ang dalawa sa gitna ng pagdiriwang para sa ika-35 anibersaryo ng VSSI na ginanap sa Tramway restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

Ang mga submissions ay tatanggapin until September 30, 2017. Ang announcement of awardees ay nakatakdang gawin sa June 11, 2018.

Pahayag ni Congresswoman Vilma: “Alam mo ‘yang ginagawa ninyo Jo, effort din ‘yan.

”Alam ko hindi madali ‘yan. Dapat ‘yan well-documented lahat. So, alam ko na hindi madali ‘yang ginagawa ninyo, sa totoo lang.

“Pero ako naman, thank you sa effort. Wala namanng masama diyan. Pero alam ko pinagpapaguran ninyo ‘yan kasi importante ang documentation niyan. So, matrabaho ‘yan.

“But I truly, truly appreciate it. Pero sabi ko nga, alam mo naman ako sa malaking natutunan ko na sa buhay ko sa pelikula at dito rin sa politika, talagang if it is meant, it’s meant. ‘Pag hindi natupad, it’s not meant, ganoon lang yun. Kasi kapag hindi nangyari, ibig sabihin merong mas magandang mangyayari.

“Ngayon kapag nangyari, it’s meant, ganu’n lang yun.”

Nage-effort ang Vilmanians sa nominasyon ng kanilang idolo dahil naniniwala sila na deserving ang Star For All Seasons na maging National Artist for Film.

Katwiran ng Vilmanians, mula sa 1963 film niya na Trudis Liit hanggang sa 2016 movie niya na Everything About Her ay kumikita. Katunayan daw ito na hindi nalaos ang kanilang idolo. At maging sa kanyang political career ay very successful din si Congresswoman Vilma.

“Salamat sa inyo. Salamat talaga,” pasasalamat ni Congresswoman Vi sa kanyang fans.


ON ALFIE LORENZO. Sinagot naman ni Congresswoman Vilma ang tanong ng mga ilang piling members ng entertainment press ang tanong kung nagpadala ba siya ng bulaklak sa burol ng yumaong manager at manunulat na si Alfie Lorenzo.

“Hindi ako nagpadala ng bulaklak. Ang bulaklak babayaraan mo, malalanta rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpadala ako ng pagkain. Pero I did pray for the repose of his soul. Kasi ang inisip ko kesa magpadala ka ng bulaklak, babayaran mo, malalanta.

“E, ‘di ipadala ko pagkain baka mapakinabangan pa nu’ng last night niya bago siya i- cremate.”


PROJECT WITH JUDY ANN? Nilinaw naman ni Congresswoman Vi ang usap-usapan na pelikulang pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos sa direksyon ni Joyce Bernal.

“Ay, naku, basta hindi final, hindi ako maga-announce para wala ng maraming ano, basta nothing si final. Mahirap ako’ng magsalita nang magsalita dahil malaking pressure din, ha.

“Kasi naniniwala ako kung ukol, bubukol.

“Siguro naman yung Everything About Her it took two years din bago ‘yan nagawa, di ba?

“So, yung kailangan yung script din na gusto ko. Kasi maraming nagbibigay na the usual, ay, maghananap ka ng something na pwedeng ibigay mo dalhin minsan ka lang gagawa, e. So, gawin mo na yung maganda na alam mong medyo may maio-offer na iba, ganoon.”

Naiinip na raw kasi ang Vilmanians.

“Alam mo mahirap din at this point in time, gagawa ka nang gagawa para sabihin lang din ginawa pero hindi naman magugustuhan ng tao, sayang lang din.”

Ipinarating din ng Vilmanians ang wish nila na makita si Congresswoman Vilma na may kargang apo.

“Hindi ako ang magde-desisyon niyan,” pahayag niya.

“Ayokong ako ang nagsasabi. Ang gusto ko siya, sila ang magsasabi. Ayokong ako.

“Kapag sigurado na sila, hindi ako magdadalawang-isip, sigurado ako, magsasabi yun kapag ka ready na sila," na ang tinutukoy ay ang anak niyang si Luis Manzano at ang girlfriend nito na si Jessy Mendiola.

Panghuli, kinumpirma ni Congresswoman Vilma ang pagdalo niya sa 2017 Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na gaganapin on September 3.

Bibigyan ng special award si Congresswoman Vilma at ang Superstar na si Nora Aunor bilang Ginuntuang Bituin awardees sa Star Awards for Movies.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN