Mother Lily Monteverde steals the scene at Woke Up Like This presscon

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw pinaghandaan ni Mother Lily Monteverde ang kanyang pagsayaw ng "Despacito" sa presscon ng pelikulang Woke Up Like This. Hindi na rin daw siya nag-rehearse para rito. 


Literal na nang-agaw ng eksena ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde sa presscon ng pelikulang Woke Like This, noong Biyernes, August 4.

Bago simulan ang question-and-answer portion ng presscon, nag-alay muna ng isang dance number ang production sa saliw ng sikat na kantang "Despacito" ni Luis Fonsi.

Isang may edad nang babae ang nasa gitna at umagaw ng pansin ng press.

Nakasuot kasi ito ng basketball jersey at naka-sumbrero pa.

Hanggang sa ma-realize ng press na ang Regal matriarch ang nagsilbing "star dancer" ng grupo.


Labis naman itong ikinatuwa ng cast at sila rin ay nakisayaw sa producer ng kanilang pelikula.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Kuwento ni Mother Lily, ang kanyang anak na si Roselle Monteverde ang nagkumbinsi sa kanyang sumayaw sa presscon.

Hindi raw siya nag-rehearse at sariling steps daw niya ang kanyang ginawa.

Ang Woke Up Like This ay pinangungunahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Kasama rin nila sa cast sina Yana Asistio, Dionne Monsanto, Cora Waddell, at Raikko Mateo.


Ito ay mula sa direksiyon ni Joel Ferrer. 

Mapapanood ito simula sa August 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN