Gabby Eigenmann on director Mike de Leon: "Istrikto yun. Medyo he has his moods."

IMAGE Facebook page of Citizen Jake

"I could have done it my own way, pero ayokong mabatikos," says Gabby Eigenmann (left) on playing antagonist Jackson in My Love From the Star. Gabby is also part of the upcoming movie of Mike de Leon (right) titled Citizen Jake.



Hanggang ngayong Biyernes, August 11, na lang mapapanood ang GMA-7 primetime series na My Love From the Star. Ayon kay Gabby Eigenmann na gumaganap bilang main kontrabidang si Jackson, naging masaya ang cast party nila.

Hindi raw niya malilimutan ang ginanapang karakter niya sa MLFTS.

“Masaya, yung Jackson—well, mahirap,” pag-amin niya.

“Kasi, hindi natin puwedeng maiwasan ang comparison sa original.

“Natuwa naman ako sa fandom ng K-drama na hindi raw nalalayo sa original.

“Yun naman talaga ang target ko.”

Tinangka ba niyang gawan ng sarili niyang interpretasyon ang nasabing karakter?

 “I could have done it my own way, pero ayokong mabatikos,” sagot ng Kapuso actor.

“So, so far, natutuwa ako dahil kinagat naman nila.

“Marami na ngang galit sa akin.

“Wala na ngang gustong magpa-picture sa akin kasi baka yun nga, hindi ako attractive sa mga pangkaraniwang tao kapag lumalabas ako.

“Nahihiyang magpa-picture kasi nga nakikita nila si Jackson,” dagdag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa ginanap na media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong August 3 sa SEDA Hotel. 

ON DIREK MIKE DE LEON. Wala man siyang pelikula sa PPP, na gaganapin mula August 16 hanggang 22, nandoon daw si Gabby para magbigay ng suporta.

“Support lang talaga. 

“Suporta sa PPP at Globe,” sabi ni Gabby.

“Ang dami-dami ng festivals, which mean, ang dami-dami ng outlets.

“May chance na i-feature ang sariling atin.

“Ito kasing PPP walang kasabay na foreign films,” paliwanag niya.

“It’s nice to support festival like this.”

May natapos na ring indie film si Gabby, ang Citizen Jake ng veteran director na si Mike de Leon. Hhinihintay na lang daw niya kung kailan ito maipapalabas.

Hindi na raw ito makakasama sa 2017 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Nalungkot ba siya na hindi na ito kasama?

“Medyo,” pag-amin naman ni Gabby.

“Pero sabi ko nga, there’s always another way, another outlet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangang maipalabas pa rin ito kasi isang panibagong obra ito ni Direk Mike de Leon.

“I’m sure people are curious, especially the people in the industry.

“Parang curious sila sa kakahinatnan ng proyekto niya kasi, after 17 years ngayon lang siya gumawa ulit,” kuwento ng actor.

Kumustang ka-trabaho si Direk Mike?

Lahad ni Gabby, “Masaya, masarap... napapatawa ko siya, okay na ko run.

“Kasi istrikto yun.

“Medyo he has his moods.

“Pero kapag nandun ako sa set, napapatawa ko siya, okay na ko run.”

Ang batikang direktor ay ang nasa likod ng mga sikat na obra gaya ng Sister Stella L (1984) at Bayaning Third World (1999).



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN