James Reid to reunite with girlfriend Nadine for a project; James to co-star with Sarah Geronimo

IMAGE Viva (left frame) / Noel Orsal

James Reid is set to reunite with girlfriend Nadine Lustre for a movie. Aside from doing Pedro Penduko, James will also be part of Sarah Geronimo's upcoming film Miss Granny.


Si Dan Villegas ang direktor ng re-imagined film reboot tampok ang Pinoy superhero character na si Pedro Penduko.

Ang karakter na ito pinasikat noong 1954 ng aktor na si Efren Reyes at ginampanan ni Ramon Zamora sa 1973 movie na Ang Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko.

Si James Reid ang gaganap na Pedro Penduko sa Dan Villegas project na joint venture ng Viva Films at Epik Studios.

Kinumpirma ni James ang pagbibida sa Pedro Penduko sa special appearance niya sa History Con 2017 na ginanap sa World Trade Convention Center.

Natutuwa si James dahil natupad ang pangarap nito na gampanan ang karakter ni Pedro Penduko na una niyang narinig nang dumalo siya sa 37th Manila International Book Fair noong September 2016 para sa book signing ng Pedro Penduko: The Legend Begins.

Marami ang nakapansin sa malaking pagkakahawig ni James sa commemorative lithograph ni Pedro Penduko na ibinigay sa kanya sa 37th Manila International Book Fair.

“I’m happy, I’m the inspiration… the look of Pedro Penduko. It’s nice to know I’m the peg.

“I’ve read the book and it’s different, mas serious siya.

“It’s very flattering, it’s really cool. It’s going in my bedroom.

“I hope I can give it justice if ever I take it. If it becomes a movie,” ang sabi ni James tungkol sa posibilidad na siya ang gaganap na Pedro Penduko na binigyang-buhay rin nina Janno Gibbs (1994 and 2000) at Matt Evans (2006).

Target ng Viva Films na ipalabas sa huling linggo ng March 2018 ang Pedro Penduko movie ni James.

Tatapusin muna ni James ang shooting ng pelikula nila ni Nadine Lustre na mapapanood sa mga sinehan sa October 2017 pero hihintayin muna niya na maalis ang plaster cast sa kanyang braso na resulta ng isang minor injury.

Gagawin din ni James ang Philippine adaptation ng Korean movie na Miss Granny na pagbibidahan ni Sarah Geronimo. Ang kuwento nito ay tungkol sa isang grandmother na bumalik sa pagiging bata dahil sa isang magical photo booth.

Si James ang gaganap na apo ni Sarah sa Miss Granny.



Stories We Are Tracking

Why James Reid was chosen as Pedro Penduko in new film
Why James Reid was chosen as Pedro Penduko in new film
Sarah Geronimo to do Philippine adaptation of Miss Granny
Sarah Geronimo to do Philippine adaptation of Miss Granny



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN