Jameson Blake: "Sa first movie ko I did daring scenes. So why not do more?"

IMAGE Julian Mauricio

Jameson Blake downplays competition with fellow Hashtags member Ronnie Alonte: "I'm not trying to be better than Ronnie or anyone else for that matter."


Matapos gumawa si Jameson Blake ng dalawang indie films ay sasabak na siya sa mainstream sa pamamagitan ng Haunted Forest.

Ito ay mula sa Regal Films at nasa ilalim ng direksyon ni Ian Loreños.

Makakatambal ni Jameson dito si Jane Oineza. Kabilang din sa cast sina Jay Manalo, Joey Marquez, Jon Lucas at Maris Racal.

Excited na si Jameson para sa proyekto na ito.

“Ito yung first mainstream movie ko and I’m really looking forward to it.

“Gusto ko talagang ma-feel yung atmosphere ng mainstream.

“Indie kasi lahat ng nagawa kong pelikula so far.

“So gusto ko makita ang difference ng indie sa mainstream.”

Unang ginawa ni Jameson ang gay-themed movie na 2 Cool 2 Be 4gotten para sa Cinema One Originals Film Festival nung 2016. Nanalo siya ng Best Supporting Actor para dito.

Maraming bumilib sa pagganap niya bilang si Maxim Snyder, lalo na’t hindi siya natakot gawin ang ilang sensitive scenes, tulad ng pagpapakita ng pwet.

Handa ba si Jameson kung sakaling may ganun klase ding ipagawa sa kanya sa Haunted Forest?

“Yeah, why not? Actually, I really love the craft of acting,” ani Jameson.

“Sa first movie ko I did daring scenes, di ba? So why not do more?

“I’m willing to do it, kasi it’s just acting and stuff, I don’t mind it naman.

“I just have to be prepared, kasi dapat nasa right mindset ka for that.”

Ayon kay Jameson, yung award niya para sa 2 Cool 2 Be 4gotten ang main reason kung bakit sinama siya ni Direk Sonny Calvento sa Nabubulok, isang full-length film entry sa 2017 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Maganda ang takbo ng career ni Jameson ngayon.

Sa ABS-CBN teleserye na A Love to Last, marami nang nagsasabing gusto nila ang karakter ni Jameson na si Fort.

Mas popular na daw sa mga manonood si Fort kesa kay Tupe, ang karakter ng kapwa Hashtags member niya na si Ronnie Alonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Jameson na tila pinagsasabong sila ng mga netizens?

“I’ve seen people say that a lot on social media and it’s really flattering.

“It motivates me, getting tweets na ganun.

“Pero I’m not really competing with Ronnie.

“We started our careers at the same time and I’m happy he’s successful.

“Actually, both of us are doing pretty well.

“The competition is in other people’s minds.

“I’m not trying to be better than Ronnie or anyone else for that matter.

“I’d rather focus on doing my best at work."




Stories We Are Tracking

REVIEW: Nabubulok will keep you on the edge of your seat
REVIEW: Nabubulok will keep you on the edge of your seat
PEP Guide to Cinemalaya 2017
PEP Guide to Cinemalaya 2017


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN