Will Christian Bables have frontal nudity in his new movie?

IMAGE Noel Orsal

Is Christian Bables willing to do frontal nudity for the Chito Rono film Bagtik?



Baguhan na aktor na handa na magkaroon ng frontal nudity scene ang hinahanap noon ng direktor na si Chito Rono para magbida sa upcoming movie na Bagtik.

Si Christian Bables ang final choice ni Chito dahil mainit na mainit noong December 2016 ang pangalan ng aktor dahil sa Die Beautiful. Nanalo si Christian ng Best Supporting Actor award para sa naturang Metro Manila Film Fest entry.  

Ipinakilala si Christian ngayong hapon bilang isa sa mga bagong contract stars ng The IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan.

Ang pagkakaroon niya ng frontal nudity scene sa Bagtik ang isa sa mga itinanong kay Christian pero pinabulaanan nito na nagpakita siya ng private part sa nabanggit na project.

“Hindi po ako pinag-frontal [nudity], puwet ko lang po...

“Yun lang po ang kailangan sa scene, yung puwet lang,” ang paliwanag ni Christian.

Kung hiningi ni Chito na magkaroon ka ng frontal nudity scene, papayag ka ba?

“Opo naman po. Kung hinihingi po dun sa [eksena]. Papuwet lang po.

"Napaka-plaster naman. Napaka-plaster po ako nang lumabas,” ang paliwanag ni Christian tungkol sa butt exposure niya sa Bagtik.

Napilitan si Christian na magkuwento para ma-justify ang kanyang pagpayag na magpakita ng puwet sa pelikula ni Chito na pinagbibidahan niya.

“It’s a coming-of-age [movie]. Meron akong girlfriend na parang last na namin na magkikita. So, 'nag-do' po kami ng girlfriend ko dun sa movie.

“Yun na rin po yung first and last na 'pagdo-do' namin.

“Probinsyano ako, galing po ng Samar. Tapos nag-trabaho po siya [girlfriend] ng Manila.

"Sumunod po ako ng Manila pero yun ang last na pagkikita namin kaya dun kami 'nag-do,' ang natatawa na explanation ni Christian tungkol sa daring scene na ginawa niya.

Ano ang relevance ng eksena sa story?

“Kasi po nagdo-do…”

Hindi sigurado si Christian kung itutuloy ni Chito ang plano na isali ang Bagtik sa Metro Manila Film Festival 2017 dahil nagugulat na lamang siya sa mga desisyon ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Direk Chito naman po, sobrang ano siya full of surprises.

"Actually, noong una, niloloko niya ako. Sabi niya, hindi maipapalabas yung pelikula na ginawa mo. Nagugulat na lang ako, meron nang poster. Nagugulat na lang ako, dubbing na mamaya. Hindi po siya nagsasabi sa akin ng updates regarding sa film namin.

"Dalawa yung pinagpipilian niya na title yata, parang Signal Rock o Bagtik.

"Hindi ko alam kung alin ang pipiliin niya. May naririnig ako na isasama niya sa film fest, hindi ko naman po alam kung totoo…”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN