Box-office ranking of Pista ng Pelikulang Pilipino entries on opening day revealed, based on SM

100 Tula Para Kay Stella, starring JC Santos and Bela Padilla, tops box-office on opening of Pista ng Pelikulang Pilipino.


Opisyal na nagsimula ngayon ang 1st Pista ng Pelikulang Pilipino at sa labindalawang pelikula na kalahok, ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films ang nanguna sa box office ng cinemas nationwide ng SM Malls.

Pumangalawa sa Bela Padilla-JC Santos starrer ang Bar Boys, ang pelikula na pinagbibidahan nina Kean Cipriano, Carlo Aquino, Enzo Pineda at Rocco Nacino.

Third placer ang Patay Na Si Hesus na tinatampukan ng 2016 Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose, pang-apat ang AWOL, ang action movie ng Skylight Films at CineBro na pinangungunahan ni Gerald Anderson.

Ikalima ang Ang Manananggal sa Unit 23B, ang horror movie nina Ryza Cenon at Martin del Rosario.

Pang-anim ang Birdshot, ang coming-of-age thriller movie nina John Arcilla at Arnold Reyes na mula sa direksyon ni Mikhail Red.

Nasa ika-pitong puwesto ang Salvage ng Cinema One at Salida Productions. Mga bida ng Salvage sina Jessy Mendiola at JC de Vera.

Eight placer ang Star na si Van Damme Stallone, pang-siyam ang Hamog, ika-sampu ang Pauwi Na (Bembol Roco, Cherry Pie Picache and Meryll Soriano) na sinundan ng Triptiko, ang trilogy movie nina Joseph Marco, Albie Casino at Kean Cipriano at pang-huli ang Paglipay, ang pelikula ni Zig Dulay na unang pelikula ni Garry Cabalic na mula sa katutubong Aeta.

Project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang week-long Pista ng Pelikulang Pilipino na magwawakas sa August 22.

Ang SM ang largest film exhibitor sa Pilipinas, na may nationwide cinema market share na 60 percent.



Stories We Are Tracking

Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino
Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN