Beauty queen Mariel de Leon surprised to be Coco Martin's leading lady

IMAGE Noel Orsal

While she was also surprised at the role she landed, beauty queen Mariel de Leon is very much grateful to be Coco Martin's leading lady in Ang Panday.


Marami ang nagulat at nagtaka nang ianunsiyo na si Mariel de Leon ang napiling leading lady ni Coco sa pelikulang Ang Panday. Si Mariel ang kinoronahan na Binibining Pilipinas International 2017.

Ano naman ang masasabi niya sa ganitong reaksyon?

“Well, I asked myself that also, bakit ako? Why of all the girls?

"Pero it’s a blessing, e. I shouldn’t question it. 

“I shouldn’t question Coco’s choice kasi he knows what he’s doing and he knows what he wants,” tugon ni Mariel.

Tinanong na ba niya si Coco tungkol sa pagpili sa kaniya?

“Parang he was just saying na he wanted a fresh face na new to the scene.”

Kuwento pa niya, “What he told me was, he saw me sa Magandang Buhay and before that kasi, he’s been following me sa Instagram. 

“After nu’ng Magandang Buhay raw, he told someone to call me.

“Pero of course, he asked my parents.”

Kamusta naman katrabaho si Coco?

Aniya, “It’s super fun to work with Coco and the rest of the cast.

“Of course, it’s hard to shoot in places like Tondo or around Manila, but I’m having a lot of fun.”

May kissing scene ba sila ng aktor?

“I don’t think so,” saad niya.

Pero ayon kay Mariel, hindi rin naman bawal sa kanya ang mga ganitong eksena.

“Hindi naman bawal sa akin, but we’re still going through the story. 

“Walang problema naman sa akin kasi it’s just acting.”

Lumaki si Mariel sa mundo ng showbiz dahil galing siya sa parehong mga angkan ng artista at mga kilalang mahuhusay na aktor at aktres. Ang mga magulang niya ay sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Pero ngayon pa lang talaga siya makakagawa ng pelikula. 

Nag-sink-in na ba sa kanya na artista siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa,” natawang sabi ni Mariel.

“Baka when I see the movie na, sa December, baka dun na.”

At dahil unang pagkakataon nga niyang gumawa ng pelikula, humihingi raw siya ng mga payo sa mga magulang.

“Since it’s my first time to get a lead role in a movie, I’m getting all the advice that I can get.”

Dagdag pa niya, “They always tell me to know my lines well and study the character and be the character. 

“And besides that, of course, respect the people around you that you’re working with.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa ginanap na opening ng pinakamalaking Pizza Hut branch sa bansa sa SM MOA noong August 15.

Bilang mga winners ng Binibining Pilipinas, sila ang mga tumatayong ambassador ng Pizza Hut.

BEYOND SHOWBIZ. Ngayong pinasok na rin niya ang showbiz, may iba pa ba siyang gustong marating?

“I want to become an opera singer,” lahad niya.

“Baka after Binibini, I’ll pursue that.”

Plano raw niyang mag-aral sa University of the Philippines o di kaya ay sa Germany. 

Ibig bang sabihin nito ay wala siyang balak magtagal sa showbiz?

“Open to it, pero siguro it’s not my main goal.”

Ano ang main goal niya?

“Opera,” nakangiti niyang sagot.

Bata pa lang daw siya ay interesado na siya rito, pero culinary daw ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo.

Aniya, “Ever since I was a kid actually. 

“Growing up, I always love listening to opera. 

“Pero I never knew that I could sing until after college.

“Parang I was just copying the song or listening to it and then, later on parang I said, I can sing it pala.  “Late bloomer na.”

Sabi pa niya, “I think people think that opera is just for, you know, parang mga sosyal or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang I want to tell people na that’s not it.

“Anyone can listen to opera if you enjoy it, if you appreciate it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN