Director Quark Henares on MMFF 2017: "Kalokohan"

IMAGE Mark Atienza

Quark Henares rallies behind the resurgence of quality Pinoy films. He said, "This is good, we will support this. Kasi this is quality."



Bagama’t hindi active ngayon si Direk Quark Henares sa paggawa ng pelikula, hindi niya mapigilan ang matuwa sa estado ngayon ng local movie industry.

Sa magkakasunod na 2017 Cinemalaya Film Festival at sa tumatakbo ngayon sa mga sinehang Pista ng Pelikulang Pilipino, gayun din sa pagtabo sa takilya ng Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy, naniniwala si Quark na aktibo na muli ang industriya.

Komento pa niya, “Buhay na buhay.  I mean, for the past ten years okay na okay.  I mean, pa-ano-ano siya, peaks and valleys.  For example, yung time nina Antonette Jadaone na [That Thing Called] Tadhana, di ba?

“So, we’re out maybe in the past few years.  Pero consistent, e, like Pamilyang Ordinaryo was good.

“Now Kita Kita is up again.  But I don’t think the quality goes down, but it’s just the saleability that makes sense,” aniya.

“I think actually, speaking of indie films, ang ganda ng MMFF nung last year,” pahayag pa niya sa Metro Manila Film Festival 2016, kung saan halos lahat ng entries ay independently produced films.

Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Quark sa formal opening ng Pista ng Pelikulang Pilipino mula sa Film Development Council of the Philippines na ginanap sa Cinema 6 ng Megamall.

Patuloy pa ng director, “I never thought I’d see the day. As in to the point na parang medyo naiiyak ako kapag iniisip ko na I can’t believe na nangyari yun.

“For me, super jaded ako as a filmmaker na parang ‘Hindi, never nating matatalo ang sistema,’ and then it happened for one year.”

Ikinagulat din daw niya ang pagbabago muli ng sistema ng pilian sa taong ito ng MMFF kung saan apat na entries (based on script submissions) ang napili at apat films (based on finished films) ang isasama para sa 8 official entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi napigilan ni Direk Quark ang makapagbitaw ng salita.

Sambit niya, “Oo nga e, kaya kalokohan, that’s bu…. I mean, I’m not gonna lie. 

“As usual, nanalo na naman ang sistema.  I’m heartbroken."

Kaya raw natutuwa siya sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa layunin nitong makapagpalabas ng dekalidad na mga pelikula.

Aniya pa, “I mean, this is good, we will support this.  Kasi this is quality, e.

Patuloy pa niya sa opinyon niya sa nakaraang taong MMFF,  “I mean, last year’s MMFF was not about indie.  It’s about quality.  [The movie] Vince, Kath & James of Star Cinema got in kasi ang ganda ng script, e.

“So, sana ganon palagi, and I think this is more about that,” sabi ng director.

Abala ngayon si Quark bilang head ng Globe Studios, isang film production department ng Globe Telecommunications Inc. na nakikipag-collaborate sa mga Pinoy films.

Ayon sa kaniya, nagsimula na raw mag-produce ng mga online series ang Globe.

“So hopefully, kumita na yung mga films para I can actually say na ‘Oy, ano, I wanna take a break and I wanna direct again,’” pahayag ni Quark.


Stories We Are Tracking

Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino
Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN