Vhong Navarro on Vice Ganda cameo in his movie: "Ang sabi niya, basta may kapalit 'yan ha."

IMAGE Noel Orsal

Vhong Navarro personally picked some of the cast members of Woke Up Like This, his movie with Lovi Poe. 


Palabas na sa mga sinehan ang Regal Entertainment movie na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Natuwa si Vhong na noong premiere night ng pelikula nila sa SM Megamall noong August 21 ay grabe na ang suportang natanggap nila sa mga kasamahan sa industriya at mga taong nanoood. Naging standing-room only pa ang Cinema 7 sa dami ng nanood.

Kung tutuusin, may ilang beses nang naipakita sa pelikula na nagkakapalit ang isang babae at isang lalaki. Pero sa pagkakataong ito, nahirapan daw si Vhong kapag karakter na ni Lovi ang ginagawa niya.

“Ang hirap lang ng karakter ni Lovi. Hirap na hirap ako,” pag-amin ni Vhong.

“Binabalanse ko sana na huwag ako lumagpas sa hindi ako babae. Kaya tinitimpla ko. Kaya lang kapag walang Sabrina character, nawawala yung comedy. Sa sitwasyon maganda, pero kapag wala sa sitwasyon, kailangan mong i-exag [exaggerate].”

Pero bumilib si Vhong sa mga co-stars niya katulad nina Lovi, Dionne Mosanto at former Pinoy Big Brother Season 7 housemate na si Cora Waddell.

Aniya, “Si Lovi bumilib ako! Ang galing sa comedy. Puwede siyang tumawid sa comedy.

“Nagulat din ako kay Dionne. Si Dionne kasi, alam nating mananampal, pambansang mananampal. Nakita natin dito yung timing, comedy niya. Kay Cora, nagulat ako sa kanya. First time niya, pero ang galing.”

May twist ang pelikula kapag pinanood na ito dahil mapapaisip ang viewers kung sino talaga ang leading lady ni Vhong.

“Actually, yun ang twist nu’n. Akala kasi ng tao kapag rom-com, kami ang magkakatuluyan. Kaya itinuwist namin para mag-iba.”

Bukod sa twist ng pelikula, magugulat din ang manonood sa biglang paglabas ng kaibigan at co-host niya sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

Nabanggit ni Vhong na may kapalit daw ang paglabas ni Vice sa Woke Up Like This.

Maggi-guest din ba si Vhong sa MMFF 2017 entry ni Vice titled Gandarah N' Guapito: The Revengers?

“Basta may kapalit yun. Meron kaming pinag-usapan na may kapalit, so yun ang bawi. Hindi ko pa alam kung saan. Basta ang sabi niya, basta may kapalit ‘yan ha. So hindi ko pa alam kung saan ang kapalit na yun.”

Sa premiere night pa lang daw sa SM Megamall napanood ito ng buo ni Vhong.

At dun nga ni-reveal ni Vhong na ideya niya ang Woke Up Like This at katulong siya sa creative development nito. Siya rin ang personal na namili sa ilang cast, kabilang na sina Bayani Agbayani.

Ayon kay Vhong, “Ganito ‘yan, sabi ko Pare, may gagawin akong pelikula. Pero dito, okay lang ba na support mo ko? Sabi niya, Pare, walang problema. Basta pelikula mo, nandiyan ako para sa ‘yo.

“Ako mismo ang tumawag sa kanya. At saka yung casting kasi namin nito, sina Yanna [Asistio], Dionne, Cora, ako talaga ang nag-ano. Kay Tsong [Joey Marquez], ako talaga ang nagsabi na ito ang gusto kong maka-trabaho, tingnan natin ang buo nito.”

Aniya, “Nasa creatives na ko.

“Nag-i-story, bumubuo kami ng konsepto, nandun ako. Tinatanong ako ni Mother Lily [Monteverde], ni Roselle [Monteverde], anong gusto mo ba? Sabi ko, ito po ang gusto ko.

“Meron kasi akong inspirasyon dun sa pelikula na tawang-tawa ko, gusto kong gawin. Kailangan ko lang ay isang magaling na kapareha at si Lovi nga yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN