Cebuano actor Melde Montañez recalls toughest part in shooting indie film with Jaclyn Jose

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2017
Cebuano actor Melde Montañez (leftmost) recounts the hardest part in making the movie Patay Na Si Hesus: "Mahirap sa akin yung sampal scene at yung iyakan namin ni Jaclyn Jose (second from right). Hindi po ako sure noon kung makakaya ko. Noong nag-shoot kami, hindi ko na-feel na matatawa yung mga tao kasi medyo serious kami sa shooting."


Overwhelmed ang 31-year-old Cebuano actor na si Melde Montañez dahil sa mainit na pagtanggap ng moviegoers sa Patay Na Si Hesus, ang pelikula na tinatampukan niya at official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Si Melde ang gumanap bilang isa sa tatlong anak ni Jaclyn Jose sa pelikula na umani ng papuri mula sa mga movie viewers at critics.

Cebu-based si Melde at unang acting job nito ang kanyang role sa Patay Na Si Hesus.

Bagamat baguhan, ginulat niya ang audience na aliw na aliw sa acting style niya.

FIRST ACTING GIG. Kinuwento ni Melde kung paano niya nakuha ang role para sa Patay Na Si Hesus.

Lahad niya, “Naka-base po talaga ako sa Cebu and ito po yung first acting gig ko.

“I’ve tried before, five or six years ago, na umarte for school projects mg friends ko sa Cebu.

“Tinawagan po ako ni Victor [Villanueva, director of Patay Na Si Hesus].

Continue reading below ↓

“Naalaala niya na nag-act ako dati sa short film.

“Yung character ko po ang huli nila na na-cast dahil wala silang ibang aktor na makita para sa role.”

BEHIND-THE-SCENE JOBS. Bago siya sumabak sa pag-arte, marami ring pinasok na trabaho si Melde na kaugnay pa rin sa movie at film production.

Kuwento niya, “Before po ako napasok sa film, mga event ang trabaho ko tapos nag-transition sa filmmaking.

“Unang work ko, production manager.

“Kinuha ako ni Victor na production manager para sa short film niya.

“Mainly, camera works ang trabaho ko, freelance.

“Naging director of photography na din po ako sa ibang production house sa Cebu.

“Minsan, camera operator o nag-iilaw. Nag-enjoy ako sa technical kaya ‘yon ang pinursue ko.”

EXPERIENCES WHILE SHOOTING FOR PATAY NA SI HESUS. Inamin ni Melde na hindi ganung kadali ang naging karanasan niya habang sinu-shoot nila ang pelikula.

Pagbabalik-tanaw niya, “Fourteen days shooting yata 'yon.

Continue reading below ↓

“Mahirap sa akin yung sampal scene at yung iyakan namin ni Jaclyn Jose.

“Hindi po ako sure noon kung makakaya ko.

“Noong nag-shoot kami, hindi ko na-feel na matatawa yung mga tao kasi medyo serious kami sa shooting.

“Nung tumatawa na yung audience sa screenings, nasiyahan kami kasi nakuha nila yung point.”

NO PLANS OF MIGRATING TO MANILA YET. Sa kabila ng tagumpay na inani ng kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino entry, wala pa ring balak si Melde na lumuwas sa Manila.

“Ngayon, wala pa po talagang plans pero pumupunta lang talaga ako sa Manila kapag may projects, kapag may events o isu-shoot ako,” pakli pa niya.



STORIES WE ARE TRACKING




Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cebuano actor Melde Montañez (leftmost) recounts the hardest part in making the movie Patay Na Si Hesus: "Mahirap sa akin yung sampal scene at yung iyakan namin ni Jaclyn Jose (second from right). Hindi po ako sure noon kung makakaya ko. Noong nag-shoot kami, hindi ko na-feel na matatawa yung mga tao kasi medyo serious kami sa shooting."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results