Carlo Aquino endures bruises for his movie "Baler"

by Ruel J. Mendoza
Sep 30, 2008
Carlo Aquino (in photo) narrates how he got painful bruises during one of his scenes with Phillip Salvador in the movie Baler.


This November ay pupunta sa U.S. si Carlo Aquino para mag-show at makasamang magbakasyon ang kanyang pamilya. Treat daw niya iyon sa kanyang family na noon pa niya pinangako.

Mamasyal nga raw sila sa Washington D.C., New York, at Las Vegas. Sa mga nabanggit na mga papasyalan nila ay doon din siya magkakaroon ng mga shows para sa ilang Filipino communities.

"Sinabay ko na rin ang bakasyon kasi sayang naman yung biyahe. Kaya kasama ko na rin ang pamilya ko para matupad ko na ang pangako ko sa kanila.

"The whole month of November kami nandoon. Kailangan kong makabalik by December kasi promo na yun para sa Metro Manila Film Festival," masayang balita ni Carlo.

Dalawa ang MMFF movies kunsaan kasama si Carlo. Una ay ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema at pangalawa ay ang Baler ng Viva Films. By October daw ay matatapos nang i-shoot ang dalawang movies kaya wala siyang magiging problema.

Continue reading below ↓

"Parehong malalaki ang mga pelikulang kasama ako sa MMFF. Tulad ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, all star cast kami doon at bida si Ms. Ai-Ai delas Alas. Yun nga lang hindi na kasama sa cast sila Marvin Agustin, Heart Evangelista, at Nikki Valdez."

"Sa Baler naman, epic drama siya. Big budgeted talaga kasi period movie. Mga kasama ko ay sila Jericho Rosales, Anne Curtis at si Kuya Ipe [Phillip Salvador]. First time ko gumawa ng ganitong movie kaya excited ako kapag nagsu-shooting kami."

Nagkuwento nga si Carlo ng isang eksenang kasama niya si Kuya Ipe. Nagkapasa-pasa raw siya sa legs niya dahil sa eksenang iyon sa Baler.

"In the movie kasi, anak ako ni Kuya Ipe at galit siya sa mga Kastilang sundalo at pinapatay niya ang mga ito. E, ako naman, gusto kong mag-pari. Kaya magkaiba ang paniniwala naming dalawa.

"Yung kinunang eksena namin ay pinapalo niya ako sa puwet ng makapal na patpat dahil may ginawa akong hindi niya nagustuhan. May padding naman sa likod ko para hindi masakit.

Continue reading below ↓

"E, ang haba noong dulo ng patpat kaya paghataw niya sa likod ko, umaabot sa hita ko yung dulo ng patpat. Ang sakit pala nun. E dapat ‘di ako iiyak kasi matigas ako roon. Pero noong sinu-shoot namin yun, gusto kong umiyak kasi ang sakit talaga.

"After the take, black and blue ang mga binti ko. Pero okey lang kasi nakadagdag yung pain sa naging eksena namin ni Kuya Ipe."

CARLO THE RAKISTA. Natutuwa naman si Carlo dahil marami nang nagkakagusto sa show niya sa TV5 na Rakista. Mukhang magkakaroon nga ng cult following ang show nila na tungkol sa isang grupo ng college students na gustong makilala dahil sa banda nila na kung tawagin nila ay The Love Team.

"We are getting good feedback sa show. Madalas mga rockers kasi nga gusto nila ang music na pinapatugtog namin sa show. Saka nagiging exciting ang story namin. May love triangle na at may kung anu-anong kuwento ng ka-weirduhan. Kaya gustong-gusto ng ibang kabataan ang show namin."

Continue reading below ↓
Every Thursday at 7:00 pm ipapalabas ang Rakista sa TV5. Kasama rin dito ni Carlo sila Alchris Galura, Rhea Nakpil, Denise Laurel, Marco Morales, Charles Christianson, at Wincy Aquino.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino (in photo) narrates how he got painful bruises during one of his scenes with Phillip Salvador in the movie Baler.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results