Maymay Entrata and Edward Barber willing to do everything for launching movie except for...

IMAGE Julian Mauricio

Maymay Entrata and Edward Barber will topbill the upcoming Star Cinema movie Loving in Tandem.


Lubos ang pasasalamat nina Edward Barber at Maymay Entrata ng Pinoy Big Brother Lucky 7 sa fans nila matapos ang anniversary celebration ng kanilang grupo sa Matrix Creation Events Place.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Edward at Maymay nung gabing yun, inamin nilang hindi sila makapaniwalang isang taon na sila sa showbiz.

“Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng blessings,” ani Maymay.

Kabilang sa mga blessings na yun ay ang paglabas ni Maymay ng album, ang pagkakabilang niya sa cast ng teleseryeng La Luna Sangre, at ang paggawa nila ni Edward ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Kasalukuyan pang nagsu-shooting ang dalawa para sa upcoming movie titled Loving in Tandem. Ito ay sa direksyon ni Giselle Andres.

Ayon kay Maymay, enjoy sila sa shooting kahit nahirapan sila nung una.

“Mahirap po talaga,” aniya.

 “Siguro kasi baguhan pa kami, kaya nahihirapan talaga kami mag-adjust.

“Pero ngayon okay naman na kasi nakikinig talaga kami kay Direk.

“Kapag sinasabi niya kung ano yung gusto niya, ginagawa namin.”

Gustung-gusto ni Edward ang approach ng direktor nila.

“Direk Giselle knows that shouting at us isn’t going to change anything.

“She just talks to us calmly and tells us what we’re doing wrong.

“That makes us want to work even harder to get it right.

“She’s strict, but that’s alright because there’s mutual respect.”

Handa silang gawin ang lahat para mapaganda ang Loving in Tandem, maliban na lang ang kissing scenes.

“Precious kasi ang lips, e,” ani Maymay.

Ayon naman kay Edward, hindi pa ngayon ang tamang oras para gawin nila ang ganung klaseng eksena.

“For the moment, no, I don’t think so,” saad ni Edward.


MAYWARD FOR REAL? Hindi pa man handa sina Edward at Maymay sa kissing scene, handa naman silang aminin ang tunay na nararamdaman nila sa isa’t-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Boyfriend material” daw si Edward para sa kanya, ani Maymay.

“Nung first time ko siya nakita, nagulat ako," sabi ng grand winner ng PBB Lucky Season 7.

“Foreigner siya pero baliw.

“Kasi madalas kapag foreigner parang serious ba.

“E, si Edward, baliw. Caring din siya at mabait.”

“Girlfriend material” naman ang tingin ni Edward sa kanyang ka-love team.

Pinalaki sa Germany ang 17-year-old actor ng kanyang Filipina mother at British-German father. 

“Unique siya. Because in Germany you wouldn’t see anyone like her.

“She’s very caring and sensitive, which I love.

“She’s also the happiest person I’ve ever met.

“Even if she’s been working fifteen hours straight, she’s still nice.

“I can’t be like that. When I’m tired, I’m grumpy.

“It’s always a blast to be around her.”


LOVING IN TANDEM. Ang trailer ng pelikula nila titled Loving in Tandem ay may 975,475 views na mula nang i-launch ito noong August 30.

Ang karakter ni Maymay na si Shine ay nagdasal na makatagpo ng anghel na gagabay sa kanya. Agad niyang nakilala si Luke (karakter ni Edward) na nagtanggol sa kanya laban sa isang magnanakaw.

Isa sa mga highlights ng trailer ay ang pagtanong ni Luke kay Shine kung ano ang ibig sanihin ng jowa.

Niloko niya si Luke at sinabi na prisoner ang ibig sabihin ng jowa imbis na karelasyon.

Dahil dito, nag-announce si Luke sa lahat na walang pwedeng gumalaw kay Shine dahil jowa niya ito. Kasabay nito ang pag-akbay niya kay Shine.

Makakasama ng Mayward love team ang fellow Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ex-housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Directed by Giselle Andres, ang rom-com na ito ng Star Cinema ay ipapalabas on September 13.











WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN