Dimples Romana reveals why she's not yet ready for lead roles

Dimples Romana pegs veteran actor Eddie Garcia in terms of longevity.



Marami ang nagtataka kung bakit sa kabila ng husay ni Dimples Romana sa pag-arte ay hindi pa rin ito nabibigyan ng isang lead role bagamat dalawampung taon na siya sa showbiz.

May mga nagsasabi tiloy na tila mas naunahan pa siya ng marami pang mga baguhang artista na nabigyan ng big break sa mga teleserye at pelikula.

Kamakailan lang ay tumatak ang role niya bilang isang suwail na anak ni Sylvia Sanchez sa ABS-CBN afternoon series na The Greatest Love, at dahil sa ipinamalas niyang galing, marami ang umasa na malaki ang posibilidad na makakuha ng acting award si Dimples.

STILL HAPPY PLAYING SUPPORTING ROLES. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dimples sa presscon ng pelikulang Persons of Interest noong August 21 sa Max’s Scout Tuazon, inamin ng aktres na hindi pa niya nakikita ang sarili na gumaganap bilang isang bida, at ine-enjoy na muna niya ang pagganap sa mga supporting roles.

Lahad ni Dimples, “Hindi, parang di kaya ng kalamnan ko.

“Ewan ko ha, baka magbago pa in the future.

“Kung darating yung pagkakataon na maging ready ako pang-bida, bakit hindi?

“Pero at this point, sobrang nae-enjoy ko pa and I’d always like to take my time on things.”

“Diyos ko! Nakapagpatayo na ako ng bahay sa pambansang beshie.

“Alam mo ang mga peg ko, sila Tito Eddie Garcia.

“Di ba? Si Tito Eddie Garcia, he’s been support for so long—kontrabida, bida and until now nagkokontrabida pa rin siya.

“Yun sana ang peg ko na path, parang si Tito Eddie na respected.

“He fits all molds, e. Lahat ng klase ng molde, kaya niya.

“Offer? Di ko matandaan pero parang wala naman.”

NOT TOO KEEN ON ACTING AWARDS. Tinanong din namin ang aktres kung hindi ba siya naiinip din na sa kabila ng husay niya sa pag-arte ay hindi pa rin siya nakakatanggap ng kahit na anong award mula sa mga award-winning bodies?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Alam mo, di ko alam.

“Iba kasi ang objective ko sa trabahong ito, e.

“Kung magkakaroon ng award, bakit naman hindi?

“Siyempre oo, pero kung di mapunta sa akin at pakiramdam ko nararapat yung nanalo, baka mas mauna pa akong papalakpak.”

MOVIE ROLE. Isang Kapampangan movie ang pelikulang Persons of Interest kunsaan makakasama niya si Allen Dizon.

Dahil siya'y Kapampangan sa totoong buhay, magiging mas madali kaya para kay Dimples ang gagampanang role sa pelikula kunsaan Kapampangan dialect ang gagamitin?

Aniya, “First time ko.

“Dapat Magkakabaung [indie film], kaya lang di natuloy kasi mayroon akong teleserye.

“Di rin, mahirap din, mas mahirap pa nga kapag lapit sa iyo, e.

“Kapag lapit yung role sa iyo, mas mahirap siyang i-tackle.

“Alam ko magiging masaya yung set kasi nakatrabaho ko na silang lahat.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN