Vilma Santos, Nora Aunor to be honored at 33rd Star Awards For Movies 2017

Nora Aunor and Vilma Santos (wearing glasses) are the recipients of the Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino to be given during the 33rd PMPC Star Awards For Movies 2017.




Ipagkakaloob ang ispesyal na karangalang Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino sa dalawa sa pinakamaningning na bituin ng pelikula sa Pilipinas: sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos.

Sila ang pinili ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Inc. na parangalan sa 33rd PMPC Star Awards For Movies 2017 dahil sa matagumpay nilang pagrereyna bilang legendary actresses of Philippine Cinema sa loob nang limang dekada (and beyond).

Gaganapin ang Gabi ng Parangal sa September 3 (Sunday) sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Sina Vilma at Nora ay kinikilala ng PMPC, sa pamumuno ng Presidenteng si Fernan De Guzman, dahil sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa industriya, hindi matatawarang kahusayan sa pag-arte, pagkakaroon ng mga pelikulang pinipilahan sa takilya at pinaparangalan at pinupuri ng mga kritiko hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa iba't ibang international film festivals, at mga di mabilang na tropeyo ng karangalan at pagkilala sa pagdaan ng mahabang panahon.

Bukod dito, kapwa nominado sa Best Actress category sina Nora para sa Kabisera at si Vilma para sa Everything About Her.


Stories We Are Tracking

Who do you think will win in Star Awards For Movies 2017?
Who do you think will win in Star Awards For Movies 2017?


LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEES. Samantala, ang veteran director (and actor) na si Joel Lamangan at award-winning theater, TV and film actor na si Pen Medina ang makakakuha ng Lifetime Achievement Awards this year. 

Si Direk Joel ang napili ng PMPC upang makatanggap ng Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Ipinagkakaloob ang pinakamataas na karangalang ito sa mga director, producer, screenwriter, cinematographer at iba pang mga tao sa likod ng paggawa ng pelikula, base sa kanilang remarkable achievements at mga kontribusyon sa industriya sa loob ng mahabang panahon, integrity, reputation, respectability, "and for touching the lives of the Filipinos."

Sinimulang ipagkaloob ito ng PMPC Star Awards for Movies a few yeas ago, at kabilang na sa mga past honorees nito ay sina Mother Lily Monteverde, Marilou Diaz-Abaya, Romy Vitug, Ricky Lee, Mel Chionglo, Peque Gallaga, at Maryo J. Delos Reyes.

Nagsimula si Direk Joel bilang isang artista sa teatro, naging crowd director ng ilang mga pelikula, hanggang sa naging award-winning director ng mga pelikula at telebisyon.

Sa past PMPC Star Awards, limang beses nang nagwagi bilang Best Director si Direk Joel: sa Flor Contemplacion Story (1995), Bulaklak Ng Maynila (1999), Blue Moon (2006), Sigwa (2010), Felix Manalo (2015), at naging Dekada Awardee rin (2003-2013).

He has five Best Director trophies rin mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) Awards for Pangako Ng Kahapon (1994), The Flor Contemplacion Story (1995), Bulaklak Ng Maynila (1999), Aishite Imasu (2004), at Blue Moon (2006).

May tatlo rin siyang Best Director awards mula sa FAMAS, dalawa mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF), at tig-isa sa Gawad Urian Awards at Golden Screen Awards.

Umani rin ng international recognitions ang kanyang mga pelikula tulad ng Flor Contemplacion Story, Bakit May Kahapon Pa, at Deathrow sa Cairo (Egypt); sa Brussles (Belgium); Hustisya sa Warsaw (Poland), Bakit May Kahapon Pa (Singapore), at iba pa.

Samantala, ang batikang aktor naman na si Pen Medina ang gagawaran ngayong taon bilang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award recipient.

Ang parangal na ito ay binibigay para sa isang artistang namayagpag at tumagal sa industriya nang maraming taon, at kay raming naging kontribusyon sa larangan ng sining ng pelikula.

Noong 1997 (exactly 20 years ago) ang Ulirang Artista award ay itinatag ng PMPC, kaakibat ang Nora Aunor Foundation ng Superstar. Kung kaya’t ipinangalan na ang nasabing karangalan sa legendary actress bilang tribute.

Kabilang sa acting awards ni Pen ay Best Actor for Layang Bilanggo sa Cinema One Originals 2010, as Best Supporting Actor para sa mga pelikulang 10,000 Hours sa MMFF 2013, Deathrow sa FAP Awards 2001, Muro-Ami sa MMFF 1999, among numerous nominations.

Ang past awardees naman ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay sina Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Ramon Revilla, Gloria Romero, Boots Anson-Roa, Caridad Sanchez, Perla Bautista, Susan Roces, Armando Goyena, Alicia Vergel, Armida Siguion-Reyna, Gil de Leon, Charito Solis, Chichay, at Leopoldo Salcedo.

Iginawad rin ito kina Mona Lisa, Rosal Rosal, Anita Linda, German Moreno, Rudy Fernandez, Gina Pareño, Christopher de Leon, Lito Lapid, Vilma Santos, Rustica Carpio, Celia Rodriguez, at Amalia Fuentes.

Labis ang kagalakan ni Pen nang malaman niya kamakailan ang magandang balitang ito at halos hindi siya makapaniwala. Tuwang-tuwa rin at very proud ang apat niyang mga anak na mga aktor rin: sina Ping, Karl, Alex, at Victor.

May hinandang tribute para sa mga haligi ng Pelikulang Pilipino sa awards night na gagawin on September 3.







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN