Sharon Cuneta gets ex-boyfriend as new leading man

IMAGE Noel Mangalonzo

Sharon Cuneta gets new leading man to replace Gabby Concepcion in Star Cinema movie.


Kinumpirma ni Sharon Cuneta ang balik-tambalan nila ni Robin Padilla sa susunod na pelikula niya sa Star Cinema.

Sinabi ng Megastar ang balitang ito sa ginanap na bloggers' conference para sa Cinemalaya 2017 entry niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Ipapalabas ang family dramedy na ito sa mga sinehan nationwide simula September 6.

“I think everybody knows already that I have a movie for Star Cinema,” panimula ni Sharon.

“I’m starting this month, mga third week, fourth week. My leading man is Robin Padilla.

“It’s a very nice story. It a rom-com. Uso ngayon. People like yung mga light movie  nowadays. Good vibes.

“Robin and I have that kind of thing going. We’ve always had that in our movies. Lagi namang rom-com kami, e, na may action noon. Parang ito wala, ‘cause I won't make kung fu dito. Di bagay, e.”

Pang-ilang movie na niya ito with Robin Padilla?

“Pang third lang ba? Oh my God! Third lang nga,” laking gulat ni Sharon.

“Well, he’s been in my life forever."

Ang mga pinagbidahan nilang pelikula ay ang: Maging Sino Ka Man (1991), Ooops, Di Na Natuto (Sorry na, puede ba?) (1993), at Pagdating ng Panahon (2001). 

Dapat ay si Gabby Concepcion ang leading man ni Sharon sa upcoming Star Cinema movie nito, ngunit hindi natuloy ang balik-tambalan sana niya sa ex-husband.

Sa ibang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sharon, sinabi ng aktres/singer/TV host/endorser: "I did not cause the cancellation, let's just put it that way."

(Read: Sharon Cuneta on shelved movie with Gabby Concepcion: "I did not cause the cancellation.")

Matatandaang naging ex-boyfriend ni Sharon si Robin noong panahong gawin nila ang 1991 movie na Maging Sino Ka Man.

Sa October 2016 concert ni Sharon, inamin din niya na na-in love siya kay Robin noon at muntik pa silang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We did this movie. We had so much fun, and we fell in love. I would have married him, but I found out someone's pregnant so I had to leave," pag-amin ni Sharon noon tungkol kay Robin.

Ang tinutukoy ni Sharon na pregnant ay si Liezl Sicangco, na noon ay girlfriend ni Robin.

(View: Sharon reveals she almost married Robin Padilla; Megastar becomes emotional during concert)

HER "KAMBAL." Ayon pa sa Megastar, may espesyal silang tawagan ng ex-boyfriend na si Robin.

“Actually, ang tawagan namin sa isa’t isa, kambal.

"Pareho kami ng sense of humor, saka malalim si Robin pag seryoso yung usapan.

"Hindi lang kami nag-uusap about politics kasi anti-political ako.

“I don’t wanna be associated with any… I didn’t campaign for any presidential candidate out of respect for Grace Poe because I wasn’t able to campaign for FPJ [Fernando Poe Jr.], who was my best friend.

"I really wanted to then...”

In-announce rin ng Megastar kung sino ang magiging direktor sa kauna-unahan nilang pelikula ni Robin sa Star Cinema.

“This is directed by Direk Cathy Garcia Molina! So I’m really excited.

"She was my assistant director in Madrasta, in Minsan Minahal Kita with Richard [Gomez], under Direk Olive Lamasan.

“She is Olive Lamasan-trained. But she has her own special touch, na I love her so much.

"And Robin likes her so much, and she likes Robin a lot, and I know she loves me.

"And I’ve seen all her movies. Mga John Lloyd [Cruz]-Bea [Alonzo].

“Saka maka-Liza [Soberano] ako. Fan din ako, e,” nakangiting sabi ni Sharon.


ROBIN SUPPORTS CINEMALAYA ENTRY. Naitanong din kay Sharon sa blogcon kung ano ang reaksyon niya nang manood si Robin ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, sa opening night ng Cinemalaya 2017.

“Na-touch ako dun because he made his own review. Parang ganun, and then he posted it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon nire-repost ng fans ko at saka ng iba.

"I also posted it on Facebook and IG [Instagram].

"It was so touching. Hindi mo na kailangan comment pa about it. Nood ka lang, di ba, tapos text mo ako.”

Pagkatapos mapanood ni Robin ang pelikula, nagbigay ng magagandang komento ang action star tungkol sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Ani Sharon, “That’s my Robin. That’s my friend. That is my Robin.

"Pagdating kay Robin, pinakamasayang movie/set ko ay laging with Robin.

“No offense to the others. I’m just saying, Robin is a different kind of creature, just like I am.

"He’s just as passionate as I am—in anything we do.

“So, mababaw din 'yan. Mababaw ang emosyon. Pareho kaming malalim na mababaw. We have the same sense of humor. We can finish each other’s sentences.

“Para kaming twins kaya ang tawagan namin, ‘Kambal, kambal.' Yung ganito, yung ganyan.

"It’s always a happy set.

“Kakain kami kasabay yung mga driver namin, yaya ko. Sabay-sabay kami nun.

"Very down-to-earth din kasi si Robin. Walang ere,” pagbabalik-tanaw pa ng Megastar.



Stories We Are Tracking

Sharon on Gabby movie:
Sharon on Gabby movie: "I did not cause the cancellation."
Sharon gets a kiss from Senator Kiko at Cinemalaya premiere
Sharon gets a kiss from Senator Kiko at Cinemalaya premiere
REVIEW: Sharon Cuneta, Moi save Ang Pamilyang Hindi Lumuluha
REVIEW: Sharon Cuneta, Moi save Ang Pamilyang Hindi Lumuluha
PEP Guide to Cinemalaya 2017
PEP Guide to Cinemalaya 2017







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN