ER Ejercito takes a swipe at Sanya Lopez for not attending presscon of movie with his son Jerico

IMAGE Jojo Gabinete

Hindi nakadalo ang GMA-7 actress na si Sanya Lopez sa presscon ng pelikula ng action star na si Jerico Estregan, ang Amalanhig. Patutsada naman ng ama ni Jerico na si former Laguna Governor Jorge Estregan, "Sikat na, e! Kapag sikat na, nagbabago ang lahat."


“Sikat na, e! Kapag sikat na, nagbabago ang lahat.”

Ito ang reaksiyon ni former Laguna Governor Jorge Estregan sa hindi pagsipot ni Sanya Lopez sa presscon ng Amalanhig, ang vampire action movie na pinagbibidahan ng kanyang anak na si Jerico Estregan.

Si Jorge ay kilala rin bilang ER Ejercito.

Si Sanya ang leading lady ni Jerico sa Amalanhig na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 20.

Ikinalungkot ni Jerico ang hindi pagdalo ni Sanya sa presscon ngayong tanghali, September 5, dahil may conflict diumano sa kontrata ng aktres sa mother studio nito, ang GMA Network.

Pahayag ng young action star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m not sure if it’s the manager or GMA-7. I’m not even sure if she will be part of the premiere night.

“I feel sad that she won’t be here today, but I still hope for the best, in the succeeding promotions of the movie.

“What’s important is that you make a quality film.

“The not-so-good part is she won’t be able to help out in promoting the movie, but on our side, we will still push for the best.”

Dagdag ni Jerico, “Hindi siya talaga siguro napayagan.

“Okey naman siya sa set. She’s very contagious.

“She’s easy to talk to, she’s down to earth, and dahil sa ganoong characteristic niya, she’s able to blend on the set without pressure or awkwardness.”

Umaasa rin si Jerico na mai-promote ni Sanya ang kanilang pelikula sa pamamagitan ng social media.

“I think despite her not being here, she’s been active in social media. She posts about it, sa Twitter, Instagram, Facebook, as long as ma-spread widely, I think it would be better.

“Kasi she’s also in this film, not just me.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN