Daniel Padilla on winning Best Actor trophy: "Tinanong ko sila, 'Para sa akin ba yung award na yun?"

IMAGE Allan Sancon

Daniel Padilla won as Best Actor in the Star Awards for Movies 2017, beating veteran actors John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, and Bembol Roco, among others.



Kahit si Daniel Padilla ay di makapaniwala na sa kanya ipinagkaloob ang Best Actor trophy sa 33rd Star Awards for Movies ng grupong Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang awards night ay ginanap noong September 3 sa Newport Performing Arts Theater ng Resort’s World Manila.

Ang trophy ay ibinigay para sa pagkakaganap niya sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Ang ibang nomiees na natalo ni Daniel sa nasabing kategorya ay sina Tommy Abuel (Dagsin); Paolo Ballesteros (Die Beautiful); John Lloyd Cruz (Just The 3 Of Us); Dingdong Dantes (The Unmarried Wife); JC de Vera (Best Partee Ever); Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo); Zanjoe Marudo (The Third Party); Alden Richards (Imagine You And Me), at Bembol Roco (Pauwi Na).

Ayon kay Daniel, isa itong malaking hamon para mas patunayan niya na karapat-dapat siya sa naturang rekognisyon.

“Nung nalaman ko, tinanong ko sila, ‘Para sa akin ba yung award na yun?’

“Dapat na bang ibigay sa akin kaya tinanong ko kung sino ang mga kasama ko na masasabi nating maraming worth it na bigyan nun.

“Kung puwede lang bigyan natin ang lahat, e.

“Pero siyempre ako, wala naman akong ano diyan, sila ang namili,” ani Daniel.

“Nagpapasalamat na lang ako sa recognition ng PMPC, sa ginawa namin sa Barcelona.

“Para sa akin, di ito magiging parang  okay, pasado na o hindi eh, move on.

“Heto na, mayroon na akong ganitong award.

“Mas kailangan ko pang galingan ngayon dahil ngayon mas bantay-sarado na ako.

“Siguro ano lang din ng Diyos sa akin na binigay sa akin ito para mas lalo ko pang galingan, mas lalo ko pang ayusin at sa lahat ng projects na binibigay, dapat one hundred percent ang binibigay mo,” patuloy niya.

(Read: Here are the nominees of the 33th Star Awards For Movies 2017)

SIX YEARS AS A LOVETEAM. Itinanghal bilang Loveteam of the Year ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo na KathNiel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay lubos ding ipinagpasalamat ng binata.

Ito ang ibang loveteams na natalo ng KathNiel upang makuha ang special prize na ito:

Maine Mendoza and Alden Richards (Imagine You And Me), Nadine Lustre and James Reid (This Time), Julia Barretto and Ronnie Alonte (Vince And Kath And James), Julia Barretto and Joshua Garcia (Vince And Kath And James), Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion (Achy Breaky Hearts), Jodi and Richard Yap (Achy Breaky Hearts).

Ani Daniel, “Gusto ko ring magpasalamat siyempre kasi di naman kami magkakaroon ng Loveteam of the Year kung di dahil sa mga Kathniels.

“Magsi-six years na ako, six years na yata kami ni Kathryn na loveteam at hanggang ngayon mayroon pa rin kaming ganung award.

“Talagang thank you very much po siyempre sa lahat ng sumusuporta.”

Kinilala ring Box Office King and Queen ang dalawa sa nakaraang 48th Box Office Entertainment Awards  ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa Barcelona dahil sa laki ng kinita ng pelikula.

Masayang-masaya ang aktor sa mga natatamo niyang pagkilala.

Ito raw ay magsisilbing inspirasyon niya upang lalo pang pagbutihin ang trabaho.

Aniya,  “Lalo na sa mga fans, sa lahat ng sumusuporta sa mga proyeto  namin mapa-pelikula o teleserye man.

“Di mo sila puwedeng biguin, e, di mo sila puwedeng i-disappoint.

“Gusto ko lang laging makita tuwing may ginagawa akong show o pelikula yung reaction ng mga fans.

“Yung excitement at yung saya na nakikita ko sa mga mukha nila.

“Happy sila, proud sila sa akin.

“Sa lahat ng mga fans, gusto ko rin silang maging proud sa mga ginagawa ko.

“Siyempre sa kanila yun, mirror image lang naman kami.”



Stories We Are Tracking

Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Alex Gonzaga teases Luis M:
Alex Gonzaga teases Luis M: "Magkano mo nabili ang award mo?"











WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN