Did Roxanne Barcelo feel hurt when talent management company declined to co-produce her film?

Roxanne Barcelo points out that she doesn't have any expectations for I Found My Heart in Santa Fe, which she produced with boyfriend Will Devaughn: "Basta ginawa namin ito, ang hangarin lang namin ay gumawa ng magandang pelikula. Yun lang, ganun lang kasimple."



Si Roxanne Barcelo at ang boyfriend niya na si Will Devaughn ang producers ng indie film nila na I Found My Heart In Santa Fe.

Dahil talent ng Viva Artist Management si Roxanne, tinanong namin siya kung hindi ba niya inalok na mag-co-produce ang Viva Films para sa I Found My Heart In Santa Fe.

Ayon kay Roxanne, in-offer niya ito sa Viva.

“Yes! Sila ang una naming pinuntahan.

“Confidential na lang,” sagot ni Roxanne sa tanong namin kung ano ang isinagot sa kanya ng Viva.

Nasaktan ba siya na hindi nag-co-prod ang Viva sa movie nila?

Tugon niya, “Ako kasi yung tipong artista na hindi maraming hinihingi, so…

“Hindi naman ako pumupunta sa meeting.

“Kumbaga, nag-propose kami.

“Kung hindi tama yung… parang it will not be treated eye-to-eye, e, di parang tsika na.

“Parang at least wala silang masasabi na hindi ko in-offer.

“Iba kasi yung direksyon na gusto ni Boss Vic sa akin sa totoo lang, iba yung gusto niya.”

Sexy-action roles daw kasi ang peg para sa kanya ng Viva head na si Vic del Rosario.

Dagdag ng former FHM cover girl, “So sa akin, hindi ko puwedeng pakialaman yung gusto niya pero kailangan ko ring i-honor yung gusto ng puso ko.

“Na gusto ko ring maka-experience ng… yung mayayaya ko yung magulang ko, yung mga anak ko in the future, magiging happy sila na napanood nila yung movie, na maganda naman.

“At saka mahilig din kasi ako sa mga lumang tema. Yung hindi masyadong kumplikado.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa presscon ng pelikula nila ni Will na I Found My Heart in Santa Fe.

Ang wholesome na rom-com nina Roxanne at Will ay kasali sa CineLokal at ipalalabas sa mga sinehan sa September 15.

Ito ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo ng BluArt Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO EXPECTATIONS. May pressure ba sa kanya na ang sinusundan nilang mga pelikula ay puro hits na tulad ng Kita Kita at 100 Tula Para Kay Stella?

“Hindi naman. Ako hindi ako nagpapaapekto sa ganyan.

“Kasi kung ikukumpara natin ang ginawa natin sa iba, parang, kung ganun akong klaseng artista, maglalaslas na ako. Charot!” at tumawa si Roxanne.

“Hindi. Di ba parang if you compare yourself to others you can be green and bitter, hindi ka makaka-move on?

“So ako, from the beginning, hindi ko na talaga iko-compare sa kahit na anong napanood or kung anong meron.

“Basta ginawa namin ito, ang hangarin lang namin ay gumawa ng magandang pelikula.

“Yun lang, ganun lang kasimple.

“Hindi rin namin ini-expect na may mga pa-presscon. Malay ba namin?

“Ang expectation namin sobrang baba.

“Sa totoo lang hindi ko nga alam na magpi-premiere night.

“Ang ini-expect ko lang talaga, makagawa ako ng ganitong movie. Yun lang,” paglinaw ni aktres na napapanood sa ABS-CBN teleserye na Wildflower.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN