Luis Manzano on Alex Gonzaga's joke about award buying: "It was a bit off."

IMAGE Allan Sancon

Was Luis Manzano offended when Alex Gonzaga jokingly asked him: "Magkano mo nabili ang award mo?"


Nagsalita na si Luis Manzano tungkol sa kontrobersyal na biro ni Alex Gonzaga sa awarding ceremony ng 33rd Star Awards for Movies na ginanap sa Resorts World Manila noong September 3.

Isa si Alex sa mga hosts ng awards night at nanalo naman si Luis bilang Darling of the Press na pinili ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Habang naghihintay sa stage si Alex para sa susunod na portion sa awards night, nagbiro ang younger sister ni Toni Gonzaga kay Luis na nakaupo sa first row ng mga upuan malapit sa stage.

“Luis, magkano ang binili mo sa award mo?” patanong na sabi ni Alex kay Luis habang naka-on ang microphone.

Ibinalita ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang oras matapos ang awards night.

(Read: Alex Gonzaga jokingly asks Luis Manzano: "Magkano mo nabili ang award mo?")

Last night, September 12, naging panauhin si Luis sa Tonight With Boy Abunda para i-promote ang kanyang bagong show sa ABS-CBN, ang I Can See Your Voice.

Sinabi nitong behind the camera ganun daw talaga sila kung magbiruan ni Alex.

“Cariño brutal? That would be a compliment pa nga, e.

“Kumbaga, ang tawagan namin, ako, I call her Ate. Siya naman, she calls me Bebe,” simula ni Luis kay Boy.

Tinanong ulit siya ni Boy kung hindi ba siya nagalit sa ginawa sa kanya ni Alex.

Ani Luis, “Hindi, ganun talaga kami maglokohan, and we're even worst behind the camera.

"Nagkataon lang siguro, I completely understand the sentiments especially with press and the people there, na it was a bit off.

“Don’t get me wrong. I’m not justifying din naman.

“But at the same time I understand na ganoon talaga kaming magkakaibigan.

“Anyone who have seen me and Alex, na kapag magkasama kami, ang lokohan namin, grabe talaga.

“On behalf of Alex, especially the members of the PMPC, I would like to apologize na rin sa kanila.

“She did not mean anything by it.”

VILMA GIVES COMMENT. Samantala, nagsalita rin ang ina ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa sinabi ni Alex sa kanyang panganay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos parehong-pareho ang basa ni Ate Vi sa sitwasyon.

“Alam mo naman ang dalawang yun, ibang magkulitan.

"Unfortunately, baka may mga na-offend lang, si Lucky [pet name ni Luis sa ina], wala yun.

“Pag nagkita yung dalawa, grabe.

“Kung magkulitan at saka naka-mikropono, ganun talaga sila mag-joke,” pahayag ni Congresswoman Vi sa wake ng yumaong Manunuri ng Pelikulang Pilipino member na si Mario Hernando sa Mt. Carmel Church noong Wednesday, September 6.




Stories We Are Tracking

Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Alex Gonzaga teases Luis M:
Alex Gonzaga teases Luis M: "Magkano mo nabili ang award mo?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN