Kisses Delavin, Marco Gallo lament that Loving In Tandem is a victim of movie piracy

IMAGE Mark Atienza

Kisses Delavin (right) and Marco Gallo (left) don't mind if they were given supporting roles for the movie Loving In Tandem. Kisses remarks, "Naniniwala ako na everyone has their perfect timing and perfect timing ngayon nila Ate Maymay and Edward. The best thing to do is to support them like what Marco and I did."


Marami sa mga fans ng tambalang Kisses Delavin-Marco Gallo (KissMarc) ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil hindi pala bida kundi supporting roles lang gagampanan ng dalawa sa pelikulang Loving In Tandem.

Ang tambalang Mayward nina Maymay Entrata at Edward Barber ang bida sa nasabing pelikulang na nagsisilbing launching movie ng dalawang loveteams.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Kisses at Marco sa premiere night ng Loving In Tandem na ginanap sa Dolphy Theater nung nakaraang Miyerkules, sinabi nila na buo ang suporta na binibigay nila sa Mayward loveteam lalo’t magkakaibigan sila.

Sabi ni Kisses, “Naniniwala ako na everyone has their perfect timing and perfect timing ngayon nila Ate Maymay and Edward.

“The best thing to do is to support them like what Marco and I did.

Ayon naman kay Marco, “Sa tingin ko wala namang pinagkaiba kasi sabi ni Direk, walang maliit at malaking role.

“It’s not a movie of someone else, movie ito ng best friend ko, kaya todo support ako siyempre.

THANKFUL. Masaya naman sila na palabas na sa mga sinehan ang pelikula nila.

Patuloy ni Kisses, “Sobrang happy ako na ipalabas na ang Loving In Tandem.

“Ang dami naming natutunan, ang dami naming dapat ipagpasalamat sa mga tao nilagay kami kung nasaan kami ngayon.”

Dagdag ni Marco, “Katulad ng sinabi niya, ang dami naming pinagdaanan, ang daming obstacles while doing this movie.

“Pero nandito na kami ngayon kaya nagpapasalamat kami kay Direk, sa lahat ng staff, sa utility, sa lahat na gumawa ng paraan para maging successful ang movie na ito.

“Maraming, maraming salamat.”

PIRACY ISSUE. Tinanong din namin sila Kisses at Marco sa bali-balita na may nahuli daw na fan sa sinehan na nagka-camcord ng Loving In Tandem.

Nakarating na pala sa dalawa ang balita at kinalungkot naman nila ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ng dalaga, “Well, na-shock ako.

“Dapat i-promote natin ang anti-piracy.

“First movie namin ito and as much as possible sana walang mag-camcord, i-discourage yung piracy kasi kailangang magtulungan ang Kissmarc and Mayward instead na mag-camcord.”

Pahabol ni Marco, “Ako, I don’t want this movie gonna be pirated kasi sayang naman.

“Kunwari Sunday pupunta kayong pamilya  for movie, sulit na sulit ito sa bonding ng pampamilya, pangdyowa, pambarkada.

“Kung pirated na, nasa Facebook na, sayang din naman.

“Cinema is not just for the movie, cinema is a way to bond with family, with friends so sana wag.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN