Vic Sotto on MMFF 2017 entry: "Wala akong action fantasy na mga magic-magic"

Vic Sotto explains why he wants a simpler, no-frills approach for his MMFF 2017 entry Meant To Beh: "Ako naman, I always see to it na iba dun sa dati kong ginagawa, and this time you notice wala akong fantasy, wala akong action fantasy na mga magic-magic, mga effects-effects."



Halos one fourth pa lang ang nasu-shoot nina Vic Sotto para sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Meant To Beh ng Octoarts, Mzet, at APT Productions.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bida ng pelikulang ito sa set ng Meant To Beh at base sa estima niya, mga isa’t kalahating buwan pa raw bago matapos ang pelikula.

Kakaiba raw ito sa mga nakaraang pelikula niya na pang-MMFF, na madalas ay may pagka-fantasy at action.

Lahad ni Vic, “Ako naman, I always see to it na iba dun sa dati kong ginagawa, and this time you notice wala akong fantasy, wala akong action fantasy na mga magic-magic, mga effects-effects.

“Ang gusto namin, kumbaga sa pagkain, organic.

“Wala masyadong palabok, wala masyadong pesticide, walang mga halu-halo.

“Gusto namin simpleng istorya ng family.

“Yung family-oriented na istorya na kapag pinanood mo, enjoy ka lang, feel good, and somehow maka-relate ang bawat miyembro ng pamilya.

“Yung, we deal about… yung tina-touch namin yung usual problems ng mga mag-asawa, ang mga anak.

“Yung family in general. Yung Filipino family.

“Alam naman nating napaka-importante ng pamilya para sa mga Pilipino, e.

“Hindi katulad sa ibang bansa na kapag nasa tamang edad na yung anak, wala na, independyente na.

“Nakakalimutan na yung pamilya, nakakalimutan na yung magulang.

“Ang Pinoy iba. Hanggang sa dulo, solid yung pamilya.

“Yun ang binubusisi namin nina Direk Chris [Martinez] kung papano ipi-present in a very light way, simple na nakakatawa, na heartwarming.

“Kasi siyempre Pasko, gusto natin feel good.”

“SAME FORMULA, DIFFERENT PRESENTATION.” Aware din daw ang TV host sa mga pelikulang napapanood ngayon, na ang ibang indie film kagaya ng Kita Kita o Patay na si Hesus na kakaiba ang tipo nang pagpapatawa na nagustuhan naman ng mga manonood.

May sariling pananaw si Vic tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung tutuusin, it’s the same formula lang naman, e.

“Kumbaga, yung atake lang ang naiiba.

“Yung presentation lang ang naiiba, pero yung istorya, yung iniikutan ng istorya, yun lang naman din, e.

“Wala naman talagang bago, which is para sa akin, maganda.

“Maganda para sa industriya, mas lumalawak ang panlasa ng manonood ng pelikulang Pilipino,” pahayag ng comedian/TV host.

IMPRESSED WITH BAEBY BASTE'S ACTING. Natutuwa siyang ibinahagi sa PEP na magaan lang daw ang shooting nila, lalo na’t ang iba ay first time pa lang niyang nakakatrabaho, kagaya nina JC Santos, Gabbi Garcia, at si Baeby Baste na anak nila ni Dawn Zulueta sa pelikulang ito.

“Lahat sila magagaling, e.

“Ang gaan nila katrabaho, ultimo si Baste.

“In this movie, he will be a revelation.

“Nakita lang natin sa TV pakanta-kanta, paloko-loko, pa-cute, pero dito ibang klase siya,” kuwento ni Bossing Vic.

REUNION WITH DAWN. Nung Okay Ka Fairy Ko TV series pa raw niya nakasama si Dawn, pero parang wala naman daw nabago at ganun pa rin daw kapag nagkakasama sila sa trabaho.

Dagdag pa ng Eat Bulaga host, “Surprisingly, iyun pa rin ang mga pinag-uusapan namin.

“Although, meron ng mga usapang tungkol sa asawa, mga anak.

“Medyo nadagdagan na yung kumbaga yung mga dating pinag-usapan namin, topics namin before mas lalo lang lumawak ngayon.

“Enjoy lang kami, tawanan lang kami nang tawanan.”

Sa ibang naunang interview, sinabi ni Dawn Zulueta ang kanyang karakter sa MMFF 2017 entry na ito: "I play the role of Andrea, asawa ni Ron [played by Vic]. Ako yung may career, editor-in-chief of a travel magazine.

"Magkaiba ang gusto namin, magkaiba kami ng taste.

"What brings us together is our family, our children na mahal na mahal namin.

"Along the way, may makikilala kaming characters who become instrumental in bringing the family closer."



Stories We Are Tracking

Here are the first four MMFF 2017 entries
Here are the first four MMFF 2017 entries
Derek replaces Jericho and other changes made in MMFF 2017
Derek replaces Jericho and other changes made in MMFF 2017




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN