Aiko Melendez's advocacy movie to show teacher affected by tokhang

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez hails New Generation Heroes as a timely advocacy and tribute for teachers: "I'm really blessed to be part of this movie because this is also my way of giving tribute to our teachers. Kaya naman we're excited na ipalalabas na po yung isa sa mga proyekto kong ginawa para sa mga guro, para sa magigiting nating mga guro."


Masaya at proud si Aiko na napasama siya sa cast ng New Generation Heroes, na nakatakdang ipalabas sa SM Cinemas nationwide simula October 4.

Ang New Generation Heroes ay tungkol sa apat na teachers na humarap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay.

Lahad niya, “I’m really blessed to be part of this movie because this is also my way of giving tribute to our teachers.

“We all know the importance of our teachers because they serve as second parents to our children when they are in school, di ba?

“Kaya naman we’re excited na ipalalabas na po yung isa sa mga proyekto kong ginawa para sa mga guro, para sa magigiting nating mga guro.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa presscon ng advocacy movie ng Golden Tiger Films, ang New Generation Heroes, na pinagbibidahan niya kasama sina Anita Linda, Jao Mapa, at Joyce Peñas.

Ginagampanan ni Aiko ang role ng isang English teacher sa Korea.

Pangalawang beses na raw niyang gumanap na teacher.

Kuwento niya, “The first one was in Tell Me Your Dreams, na idinirek din ni Anthony Hernandez.

“Eto namang New Generation Heroes is very timely because of the drug issue that we’re going to tackle in this movie.

“Merong mga tokhang.”

Sa pelikula, ang anak niya ay magiging biktima ng tokhang kaya mapipilitan siyang umuwi ng Pilipinas mula sa South Korea.

Dito iikot ang istorya ng karakter ni Aiko, kung paano niya aayusin at bubuuin ang pamilya niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN