Liza Soberano prefers to be a conservative Darna

Liza Soberano says she prefers her Darna costume to be conservative, but the Kapamilya actress is open to "overcoming" her "comfort zone."


Kinamusta namin kay Liza Soberano ang shooting ng Darna, at ayon sa aktres ay puspusan daw ang ginagawa niyang training para rito.

“I train at least four times a week.

“I am prepared, but I think we’re gonna be shooting probably November or December.”

Masaya raw si Liza sa approval ng mga dating nagsiganap na Darnagaya nina Angel Locsin, Marian Rivera, at maging si Nanette Medved—sa pagkakapili sa kanya para maging pinakabagong Darna.

Para sa aktres ay challenge ito para higit pa niyang pagbutihan ang pagganap sa role.

Aniya, “I’m just pretty blessed para may approval ako sa kanila.

“I thank them for that.

“I’m glad that they see potential in me.

“I hope that I’ll be able to surpass their expectations,” saad pa ng 19-year-old Kapamilya star.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Liza sa nakaraang 2017 Star Magic Ball noong September 30 sa Makati Shangri-La.

Nang tanungin namin tungkol sa costume na susuutin niya, wala pa raw ideya si Liza kung gaano ka-sexy ang nasabing Darna costume, o kung ibabagay ba ito sa wholesome image niya.

“I have no idea actually, as I’ve said di pa kami nagsyu-shooting.

“Nag-look test lang kami, but wala pa rin yung costume.

Pero di ipinagkaila ni Liza na mas pipiliin niya ang costume na conservative.

“Me, as a person, I’m very conservative.

“I don’t like showing that much skin.

“Of course, as if I will have a say on it—but I would say gusto ko, covered.”

Hindi naman daw niya isinasara ang isipan sakaling daring nga ang magiging kasuotan niya.

Dagdag ni Liza, “But I think that’s part of the challenges—for me to overcome my comfort zone and don’t stay [boxed in].

“For me to jump out of that box, try something that I haven’t tried before—I think it will be a great opportunity for me to learn and be more comfortable with my body and my skin if I were to wear that iconic costume.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REASSURING FANS. Samantala, tulad ni Enrique Gil, nilinaw din ni Liza ang pag-aagam-agam ng LizQuen fans na baka raw buwagin na ang kanilang tambalan.

Ito ay dahil sa kasalukuyang hiwalay na ang ilang proyektong ginagawa ng dalawa.

Sa ngayon kasi ay kasama sa pelikulang Seven Sundays si Enrique, at may balita na may isa pa uli itong pelikulang gagawin na hindi pa rin si Liza ang kapareha niya.

Ayon kay Liza, hindi raw porke’t may mga hiwalay silang proyekto ay nangangahulugang katapusan na rin ng LizQuen loveteam.

Wika ni Liza, “No, of course not.

“I don’t think that it will ever be, na maghihiwalay ang LizQuen.

“Since we cannot be together and just because we’re given different projects does not necessarily mean na hiwalay na kami.

“Of course, we wanna grow as actors, we’re given different opportunities.

“And, of course, if you’re given opportunities, you’re going to take that chance,” dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN