Shy Carlos on kissing scenes with Empoy Marquez: "Feeling ko, kini-kiss ko lang si Piolo Pascual."

IMAGE Screen grab from The Barker trailer

Shy Carlos on leading man Empoy Marquez: "Walang pagbabago sa ugali ni Empoy, pareho pa rin siya, at naniniwala ako na Empoy is the new pogi. Sobrang attractive yung isang person na confident at hindi takot na ipakita yung totoong karakter niya."


Si Shy Carlos ang leading lady ng bagong box-office star na si Empoy Marquez sa pelikulang The Barker.

Kumportable ang dalawa sa isa’t isa dahil nagkasama na sila noon sa mga programa ng TV5.

Ipinagmalaki ni Shy, 22, na walang nagbago sa ugali ni Empoy, 36, kahit ito ang kinikilalang “Blockbuster King” sa kasalukuyan dahil sa box-office success ng Kita Kita.

Ang Kita Kita ang pelikula ni Empoy katambal si Alessandra de Rossi, at kinikilala ngayon bilang highest grossing indie film of all time.

Ayon kay Shy, “Walang pagbabago sa ugali ni Empoy, pareho pa rin siya, at naniniwala ako na Empoy is the new pogi.

“Sobrang attractive yung isang person na confident at hindi takot na ipakita yung totoong karakter niya.

“Attractive yun, oo, may attraction kay Empoy.”

Ikinabigla raw ni Shy ang kissing scenes nila ni Empoy sa The Barker dahil hindi agad siya nasabihang may ganoong mga eksena.

Pero ginawa niya raw dahil bahagi yun ng kanyang pagiging aktres.

Saad niya, “Hindi ako kailangan i-convince dahil feeling ko, kini-kiss ko lang si Piolo Pascual.

“Marami ang kissing scenes namin, marami, pero wala akong preparations.

“Pogi naman si Empoy, hindi na kailangan paghandaan yun.”

Ang The Barker ng Viva Films ang third movie ni Shy para sa 2017; ang dalawang nauna ay Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz at Fangirl/Fanboy.

Nagpapasalamat si Shy kay Boss Vic del Rosario dahil tinupad nito ang pangakong bibigyan siya ng mga movie at television projects, kapalit ang pansamantalang paghinto sa pag-aaral.

Sinabi ni Shy na naging madali sa kanya ang magdesisyong mag-concentrate sa acting career dahil puwedeng balikan ang pag-aaral anumang oras.

Umaasa rin ang aktres na, tulad ng Kita Kita, magiging blockbuster movie din ang The Barker.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN