Horror films Spirit of the Glass 2 and Ghost Bride clash on All Saints' Day

IMAGE Courtesy of OctoArts Films & Star Cinema

It's a battle of horror movies on Halloween: (Above) Spirit of the Glass 2 cast members Enrico Cuenca, Ash Ortega, Cristine Reyes, Benjamin Alves, Maxine Medina, and Daniel Matsunaga; (below) Ghost Bride star Kim Chiu with leading men Victor Silayan, JC Santos, Matteo Guidicelli, and Jerome Ponce.


May mini-Scream Festival na magaganap sa November 1, 2017 dahil dalawang horror movies ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan.

Ito ay ang Ghost Bride ng Star Cinema na mula sa direksiyon ni Chito Roño, at ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ng OctoArts Films at idinirek ni Joey Javier Reyes.

May mga nag-aalalang posibleng magkasakitan sa box office ang mga nabanggit na pelikula.

Kaugnay nito, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon ni Orly Ilacad ng OctoArts Films, producer ng sequel ng Spirit of the Glass, tungkol sa hindi inaasahang pagkakaroon ng Scream Festival.

“It’s exciting,” sabi ni Boss Orly, na tila hindi apektado ng tapatan na mangyayari sa All Saints' Day.

Patuloy niya, “We welcome competition. A good movie like Spirit of the Glass deserves another sequel.

“It has a good cast. It’s well written and directed by Jose Javier Reyes.

“It introduces Miss Philippines Universe 2016 Maxine Medina.”

Bukod kay Maxine, introducing din sa Spirit of the Glass 2 ang Wowowin co-host na si Ashley Ortega.

Mga bida ng pelikula sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, at Benjamin Alves.

Ang unang Spirit of the Glass ay ipinalabas noong 2004. Tampok dito sina Rica Peralejo, Dingdong Dantes, at Alessandra de Rossi.

Sa kabilang banda, bida naman sa Ghost Bride ng Star Cinema sina Kim Chiu at Matteo Guidicelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN