Empoy Marquez feels free from pressure of Kita Kita success

IMAGE Noel Orsal

Empoy Marquez prays his new movie The Barker will do well at the box office. It will open in cinemas starting October 25, 2017.



Wala raw pressure kay Empoy Marquez na dapat box-office hit rin ang mga pelikula na gagawin niya.

Kagulat-gulat kasi ang tinabo sa takilya ng pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita.

Ang Kita Kita ay kumita ng P320 million sa Philippine box office at ito na ang tinuturing na highest grossing Pinoy indie film.

Nalampasan nito ang P257 million na kinita ng historical biopic na Heneral Luna.

May bagong pelikula si Empoy ngayon, ang The Barker ng VIVA Films at Blank Pages Production. Ito ay mapapanood sa mga sinehan simula October 25, 2017.

Unang directorial job din ito ng aktor na si Dennis Padilla.

Saad ni Empoy, “Para sa akin po, wala po akong pressure rito.

"Una po sa lahat, gusto ko lang pong magpasaya ng mga tao. 

“Ginawa po namin nila Kuya Dennis ang movie na ito hindi pa showing ang Kita Kita.

"Kaya hindi po ako pressured, masaya lang po naming ginawa ito sa set.

"Parang naglalaro lang po kami.”

KUDOS TO DENNIS PADILLA. Gayunpaman, umaasa rin daw sila na maganda rin ang kakalabasan ng The Barker.

Sambit ni Empoy, “Ipagpi-pray po namin na ganun po, na ipagkaloob po ni Lord.”
 
 Kumusta namang director si Dennis?
 
“Matagal na po kaming magkaibigan, cool siya, sobrang cool ni Kuya Dennis.

“On and off camera, ganun po siya, as is. 

“Sobrang mabait po niyang director at siya po ang no-pressure na director.
 
“Sobrang ibibigay niya sa ‘yo kung ano ang gusto mo.

"Yung freedom mo as an actor, mararamdaman mo sa kanya.”

MOST WANTED. Sa kanyang career ngayon, tila pinag-aagawan na ng mga producers si Empoy.

Ano ang pakiramdam niya tungkol dito?
 
Lahad niya, “Yung manager ko po ang nakikipag-usap pagdating sa ganyan.

“Thankful po ako kasi po, gusto po nila ako.”
 
Totoo bang insecure na sa kanya ang mga leading men ng ABS-CBN?
 
Pagtanggi niya, “Hindi po, siguro ngayon po natutuwa naman sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga kaibigan ko naman po ang leading men.” 

Ang next TV project ni Empoy ay ang still-untitled Kapamilya teleserye kunsaan kasama niya sina Piolo Pascual, Arci Munoz, at Alessandra de Rossi.

Ngayong October, si Empoy ay tampok sa cover ng YES! Magazine. Pinakita ni Empoy ang kanyang bahay sa Bulacan at kinuwento ang mga pinagdaanan niya bago niya narating ang tagumpay niya ngayon.



Stories We Are Tracking

Piolo amazed by P320 million box-office gross of Kita Kita
Piolo amazed by P320 million box-office gross of Kita Kita
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN