Alessandra de Rossi writes script of her movie about couples living in

IMAGE Noel Orsal

Alessandra de Rossi wrote the script of her movie titled 12. It is based on real-life stories, including a bit of her own. "Hindi naman siya yung literal na ganun ang nangyari sa akin. Hinalo ko ang kuwento ni ganito, ni ganun or yung narinig ko," said the actress-turned-scriptwriter.



Si Alessandra de Rossi ang sumulat ng bago niyang pelikula titled 12.

Personal na hugot ba ito sa kanyang buhay?
 
Tugon niya, “Maraming eksena riyan or linya riyan na nasabi sa akin or na wish kong sinabi ko. 

“Pero hindi sa akin based ang kuwento, maraming tao sa paligid ko ang nakaranas niyan.
 
“Whether close sa akin or hindi, makikita mo nga rito na parang pare-parehas lang pala talaga ang problema sa relationship. 

“Pag-aawayan niyo kung ano ang kakainin niyo, napaka-simpleng tanong, ano ang gusto mong kainin?

“Ikaw na ang bahala, ganun kaliit na bagay, nagiging malaki siya.
 
“Dahil mainit ang ulo ng isa or whatever, yung ganun.”

Nakausap si Alessandra ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal sa presscon ng 12 na ginanap sa Le Reve Pool and Events Place.

LIVE-IN ISSUE. Kapareha ni Alessandra si Ivan Padilla sa pelikula kung saan hango ang title nito sa haba nang panahon ng pagsasama ng mga karakter nila.

Twelve ang title ng pelikula dahil limang taon na mag-bestfriend at pitong taon na magka-live-in ang mga karakter nila.
 
Sa personal niyang pananaw, pabor ba si Alessandra sa live-in setup?
 
“Honestly, dapat hindi, pero may mga kilala rin kasi ako na kapag in-explain nila ang situation nila, parang naiintindihan ko.

“For example, hindi naman ganito kalaki ang kita ko, hindi rin naman ganito kalaki ang kita ni girl, gagastos pa kami sa magkaibang apartment?
 
“Magsama na kami para isa na lang ang bayad, siyempre, kapag nasabihan ka ng ganun, may maisasagot ka pa ba? 

“Tama naman, minsan, practical siya.”

Pero, may pasubali rin si Alessandra tungkol sa bagay na ito. 

“For example, itong sa movie na ito, na-compare namin sa mga tao noon na 20 years together.

“Bakit hindi sila naghihiwalay kahit maraming problema? 

“Kaya ba naming maging ganun? Siyempre, iba ang panahon ngayon. 

“Magli-live in muna, check kung puwede or hindi, puwede kayong maghiwalay kung ayaw niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi kayo kasal, ang bilis tumakbo palayo, e.”

BIOPIC? Ilang porsiyento sa simulat niya ang hugot mismo sa sarili niyang love story?
 
“Konti lang,” saad niya, ‘hindi naman siya yung literal na ganun ang nangyari sa akin. 

“Hinalo ko ang kuwento ni ganito, ni ganun or yung narinig ko… hindi siya ganun ka-literal.”
 
Tulad nang sinulat niya, dumating na rin ba si Alessandra sa puntong nawala siya sa sarili dahil sa pag-ibig?
 
Tugon ng actress-turned-scriptwriter, “Honestly, never kong malu-lose ang sarili ko, dahil kilala ko kung sino ako.

“Maraming times na magbibigay ako, maraming times na magpapasensiya ko, uunahin kita.

“Pero it doesn’t mean na hindi ko na kilala ang sarili ko.
 
“Kaya nga kaya kong makipag-break kapag sumosobra ka na.”

BUDDING SCRIPTWRITER. Samantala, bukod sa 12, may sinusulat daw siyang dalawang script pa.
 
“Nage-enjoy akong magsulat, to be honest.

“Mahirap yung wala kang background, wala kang training, hindi ka nag-aral kahit na kanino.
 
“Tumatawag lang ako sa mga friends kong writers, dapat ba ganito, ganyan? Anong sequence ba na nangyayari yung ganito? 

“Gumawa ka kasi ng draft, dapat may sequence guide ka. 

“Ayoko talaga siyang gawin, nandun pa rin ako sa mano-mano, kung ano ang maisip kong gawin.”
 
Sino ang nagga-guide sa pagsusulat niya?
 
“My heart, I don’t know kung sino nagga-guide,” saad ni Alessandra.



Stories We Are Tracking

Alessandra is paired with Ivan, cousin of Daniel Padilla
Alessandra is paired with Ivan, cousin of Daniel Padilla
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Alessandra:
Alessandra: "Napapagod ako sa ka-showbisan ng mga tao."
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN