Kris Aquino was already supposed to appear in Wowowin, says Ashley Ortega

IMAGE Noel Orsal (Ashley)

Ashley Ortega (right) thankful to Willie Revillame for allowing her to juggle being a Wowowin host and shooting her first movie, Spirit of the Glass 2: The Haunted. Ashley says Kris Aquino (left) was already supposed to appear in Wowowin, but doesn't know why this did not push through.  



Nanghihinayang si Ashley Ortega dahil wala siya sa Wowowin nang ipakilala ni Willie Revillame si Kris Aquino sa staff at co-hosts ng show noong Sabado, October 7, 2017.

Si Ashley ay isa sa mga co-hosts ng game show ni Willie sa GMA-7, ngunit may taping siya noong araw na iyon.

“Actually, dapat last Saturday ang taping ni Miss Kris para sa Wowowin,” sabi ni Ashley.

“Last Saturday na dapat ang guesting niya, hindi natuloy. I don’t know why.

“Sayang nga, hindi ko na-meet si Miss Kris.

“Nag-meeting sila last Saturday sa office ni Kuya Willie, sa Wil Tower Mall.

“Yung gabing yon, hindi ko siya na-meet, may taping kasi ako.

Kuwento ng GMA-7 actress, nais pa naman daw niyang makilala nang personal si Kris.

“I wanna meet her. Nandoon lahat ng staff, lahat ng mga co-host. Ipinakilala ni Kuya si Miss Kris.

Ayon pa kay Ashley, ito ang magiging role ni Kris sa Wowowin: Guest co-host lang.

“Tinutulungan siya ni Kuya, though hindi ko alam ang mga pinag-usapan nila.”

Nauna nang nag-post si Kris tungkol sa partnership nila ni Willie.

Nagmeeting sila noong Agosto sa Edsa Shangri-La Hotel. Sa Instagram caption TV host/actress/entrepreneur, tinawag ni Kris na future boss niya si Willie.


Stories We Are Tracking

Will Kris Aquino co-host <em>Wowowin</em> with Willie Revillame?
Will Kris Aquino co-host Wowowin with Willie Revillame?



ASHLEY’S FIRST MOVIE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ashley sa set ng Spirit of the Glass 2: The Haunted, ang kanyang kauna-unahang movie.

Isang sikat ngunit maarteng model ang gagampanan niya sa pelikula.

Makakasama niya rito sina Cristine Reyes, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, at Daniel Matsunaga.

Mapapanood sa mga sinehan ang Spirit of the Glass 2: The Haunted simula November 1.


Nagpapasalamat si Ashley sa OctoArts Films producer na si Orly Ilacad dahil sa break na ibinigay nito sa kanya sa pelikula.

Thankful din siya kay Willie dahil pumayag itong tanggapin niya ang project, kahit may conflict ang shooting ng pelikula sa taping ng Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since this is my first movie at si Boss Orly ang unang nag-offer sa akin ng first mainstream movie, bakit naman ako tatanggi? It’s an opportunity.

“Right now, sobrang irregular ang tapings ko sa Wowowin because of this movie.

Hindi naman nagagalit si Kuya. Pinagbigyan niya ako talaga.

“Nakiusap ako, pumayag siya. Two times a week ang shooting ko for Spirit of the Glass 2 at once a week ang taping ko for Wowowin.

Patuloy ng 18-year-old actress-TV host, “Sometimes kapag maagang natatapos ang shooting ko, humahabol ako sa second episode taping ng Wowowin.

"Sabi ko kay Kuya, two months lang naman ako magiging irregular sa Wowowin. Pumayag siya.”
                                     

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN