Aiko Melendez says she was traumatized by sex scandal of this celebrity

IMAGE Jocelyn Dimaculangan (Aiko)

Wildflower stars (L-R) Maja Salvador, Joseph Marco, and Vin Abrenica attend the premiere of Balatkayo in support of Wildflower villainess Aiko Melendez (right).


Ayon kay Aiko Melendez, pakiramdam niya ay na-trauma siya sa sex scandal ng isang celebrity na aksidente niyang nakita online.

Ito ang sinabi kamakailan ni Aiko sa press conference ng indie film na Balatkayo, na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan.

Na-conceptualize ang sexy drama na Balatkayo noong panahon na sunod-sunod ang mga sex-video scandals ng mga artista. Ito ay tungkol sa isang batang lalaki (James Robert) na nagkaroon ng sex video, at dahil dito ay napauwi ang inang OFW (Aiko) upang ayusin ito.

Dahil tungkol sa sex scandal ang pelikula niya, tinanong ang ABS-CBN aktres kung nakapanood na siya ng viral videos na ganito online.

Pag-amin ni Aiko, "Para sa akin, ang unang sex scandal na napanood ko, komedyante ang nasa video.

"Kaya natawa ako. Hindi ko siya tinapos kasi natatawa ako.

"[Sabi ko], 'Totoo ba ito?' Si Wally Bayola.

"Sorry, Kuya Wally, kaibigan kita, pero nakakatawa nga ito. So, hindi ko tinapos.

“Sabi ko, ayoko na manood ng mga sex scandals kasi parang na-trauma na ako.

"May trauma factor ako. Yun ang first and last ko.

"Sa lahat naman kasi ng artista, si Kuya Wally talaga.

"Hindi ko na tinapos [ang video]...Pag pindot ko sa Facebook, sabi ko, 'totoo ba ito?' Siya nga. Tapos, pinatay ko na."

Matatandaang noong 2013, kumalat sa social media ang video ni Wally na nakikipagtalik sa isang dancer.

Ano ang gagawin ni Aiko kung magkaroon ng sex-video scandal si Andrei, ang anak niya sa ex-husband na si Jomari Yllana?

“I’m really praying that it won’t happen in real life,” ani Aiko.

“That’s the reason why I have a really close relationship with my kids. Naniniwala ako na if you have a good relationship with your kids and if your kids are exposed sa church, I bring them, yung values nila dala-dala nila yun. Maiiwas sila sa mga ganyan.

“Ako talaga, I tell Andrei, since Andrei is 19, I tell him talaga, ‘Huwag kang pumunta sa porn sites.’

“[Sabi ko], ‘Alam ko lalaki ka. Huwag ka na mag-check-check ng mga porn sites.’”

WILDFLOWER CO-STARS SHOW SUPPORT. Nasorpresa naman si Aiko sa pagdalo ng co-star niya at bida ng ABS-CBN primetime teleseryeng Wildflower na si Maja Salvador sa October 10 premiere night ng Balatkayo.

Full support rin sa movie premiere ang iba pang cast members ng Wildflower na sina Joseph Marco at Vin Abrenica para sa indie film produced by BG Productions International at released by Regal Entertainment.

“I love Maja, Joseph, and Vin. Super thankful ako na they’re here,” ani Aiko.  

“Si Maja sinurprise talaga ako. Si Joseph at saka si Vin lang ang manonood talaga. Yun pala pinagtripan ako ni Maja, sinurprise niya ako, kaya I’m very, very happy. Sobrang sweet talaga ni Maja.

“I was just texting her on my way here and she’s asking, ‘Are you wearing my gold gown?’ I said, ‘No, silver.’ I didn’t know she’s gonna come here. Sobrang touched ako, kasi I love her, she knows that. I really love her, I adore her. Kaya sobrang salamat na she’s here. And kina Joseph at Vin, sobrang thank you for the support.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sinabi ni Aiko nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng Balatkayo.

Dumalo rin sa premiere night ang producer ng movie na si Baby Go, ang direktor na si Neal Tan, at ang iba pang miyembro ng cast na kinabibilangan nina Polo Ravales, Rico Barrera, Ernie Garcia, at James Robert.

ALL-TIME HIGH NATIONAL TV RATING. Ang tinutukoy ni Aiko na "gold gown" ay may kinalaman sa Wildflower episode noong October 9.

Ipinakita sa episode na ito ang pagbabalik ng character ni Maja na nakasuot ng gold gown. Inilantad niya sa mga kaaway niya ang tunay niyang katauhan.

Ang naturang episode ay nagbigay sa Wildflower ng bagong all-time-high national TV rating na 35.2%—kontra sa 17.1% ng katapat nitong Wowowin—base sa Kantar Media data.

Ayon naman sa AGB Nielsen ratings, ang ABS-CBN teleserye na Wildflower ay naka-register ng mas mataas na rating na 10.6%, samantalang ang GMA-7 game show na Wowowin ay nakakuha ng 7.9% noong October 10.

“Maraming salamat, sobra. Ang taas ng rating namin, highest record sa timeslot namin, so maraming salamat po,” ani Aiko, na gumaganap bilang si Emilia Ardiente, na mahigpit na karibal ng karakter ni Maja.

Gagantihan ba ni Lily (Maja) ang karakter niyang si Emilia?

“Oo, maggagantihan kami hanggang hindi na kami makagapang.”

Ilalagay rin ba ni Lily sa kabaong si Emilia, katulad nang ginawa ni Emilia kay Lily nang ipalibing nila ito nang buhay?

“Iba, e, iba ang paglalagyan niya sa akin. Ang pagbuwelta niya sa akin, sobra.”

ADVOCACY FILM. Feeling blessed si Aiko dahil bukod sa Wildflower ay may bago na naman siyang pelikulang ipalalabas, ang Balatkayo. Ipinagmamalaki nga niya ang advocacy movie na ito.

“It’s an OFW film na may family drama. We focus on the problem ng mga youth ngayon, na when they don’t have that much attention, they start doing something bad, like having sex videos, sex scandals.

“This movie is about telling the people na at the end of the day ang importante is yung atensyon na maibibigay mo sa pamilya mo.”

Masaya at satisfied din si Aiko sa napanood niya sa premiere night.

"Yes, look at my smile, it’s up to here. I’m so happy. I just love the way Direk Neal Tan directed it. Kasi ang scriptwriter namin si Jason Paul Laxamana, so ang ganda talaga.

"So, how can I go wrong? So, wala akong complaint. I’m really happy. Binigyan ng importansiya yung role ko talaga.”


Stories We Are Tracking

James Robert agrees to do frontal nudity for indie film
James Robert agrees to do frontal nudity for indie film
Polo speaks about pumping scene with Nathalie in Balatkayo
Polo speaks about pumping scene with Nathalie in Balatkayo





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN