David Licauco top-bills upcoming Regal movie with Shaira Mae dela Cruz

IMAGE Noel Orsal

GMA-7 actor David Licauco at the press launch of BlueWater Day Spa last October 10, at Novotel Hotel, Quezon City.



Excited na ang GMA-7 actor na si David Licauco dahil sasabak na siya bilang leading man sa upcoming romantic comedy movie ng Regal Films na Flames of Summer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David noong nakaraang Martes, October 10, sa launch ng BlueWater Day Spa na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City.

Ayon kay David, hindi nito inakalang mabibigyan agad siya ng leading role kahit na maituturing na baguhan pa lang siya sa industriya.

Pahayag ng Kapuso talent, "Siyempre, it's overwhelming kasi I've been in this industry last year lang.

"I started with Mulawin last February so basically, kakapasok ko lang talaga sa GMA.

"Parang meydo overwhelming na lead ako kaagad pero siyempre, sino naman ang tatanggi sa ganun offer.

"So ayun, I'm just gonna do my best every time."

Hindi masyadong nagbahagi si David kung tungkol saan ang pelikula ngunit malapit daw sa kanya ang karakter na kanyang gagampanan. Makakasama rin niya sa pelikula ang Trops actress na si Shaira Mae dela Cruz.

Aniya, "It's a romantic-comedy, and actually medyo same sa akin kaya siguro ako yung kinuha nila.

"Kasi gusto nila medyo Chinese, mukhang rich kid, parang basically medyo ganun ako.

"So I guess, may be that's why I got the role, because of it."

Ito ang unang beses na magbibida sa pelikula si David kaya naman, maigi raw niya itong pinaghahandaan. Patuloy raw na nagwoworkshop si David sa pamamahala ng acting coach nito na si Anne Villegas.

Aniya, "I'm doing workshops every day, intensive training talaga. And then, working on my craft like reading books, para siyempre mas lumawak yung pagiging artist ko.

Sa ngayon, sobrang nae-enjoy ni David ang buhay-showbiz dahil mas nacha-challenge daw siya dito.

Saad ng young actor, "I like being an athlete but I like the challenge of being here in showbiz. Kumbaga, hindi siya comfort zone for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pag athlete kasi di ba, parang medyo tahimik ka lang... gusto mo cool ka lang. In showbiz, you have to really get out of your comfort zone."

Marami pa raw nais makamit si David bilang artista ngunit kaya patuloy raw ito magpupursigi bilang aktor.

"Siyempre ano, since I have my own movie, it's a milestone na rin. Pero siyempre more projects and let's see, if it's really for me, it's for me.

"Pero yun nga, I'm gonna do my best and work hard, learn what has to be learned for me to get better. I'm very passionate naman with what I do as long as love ko siya."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN