Mother Lily Monteverde overwhelmed by Manuel L. Quezon Outstanding Citizen award

IMAGE Arniel Serato

Habang nabubuhay pa raw siya, patuloy na magpu-produce ng pelikula si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.


Mahigit anim na dekada nang nagpo-produce ng pelikula si Mother Lily Monteverde sa pamamagitan ng kanyang kumpanyang Regal Entertainment.

Kabi-kabila na rin ang kanyang awards na natatanggap bilang isa sa pinakamasipag na film producers sa bansa na walang kapagurang gumagawa ng pelikulang Pilipino.

Kaya naman ginawaran ang Regal matriarch ng Outstanding Citizen award sa Manuel L. Quezon Gawad Parangal ng Quezon City government alinsunod sa ika-78 founding anniversary ng siyudad.


Idinaos ang awarding noong October 12 sa Seda Hotel kung saan halos present lahat ng mga awardees, kabilang na si Mother Lily.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa veteran film producer, sinabi niyang hindi siya makapanilwalang nakatanggap siya ng award na labas sa showbiz.

Saad ni Mother Lily, “Wow, overjoyed. Yeah, for the first time especially in Quezon City ‘no. It’s the first time na parang I feel na… I really don’t know how to say… parang overwhelmed.”

Dagdag pa ng Regal top honcho, “I will also thank Quezon City government for giving me such opportunity. It’s something very different dun sa mga awards ng pelikula.”

Ayon naman kay Mayor Herbert Bautista, ang Manuel L. Quezon Gawad Parangal ay ilang taon nang iginagawad ng Quezon City sa mga tao o korporasyong may malaking ambag sa pamahalaan.

Saad pa ng alkalde na dating artista, “Parang more than 15 years na 'ata ito, e, that we give awards, nagbibigay kami ng awards sa mga outstanding citizens of Quezon City or outstanding corporations who are in Quezon City.

"We do this to honor individuals or corporations and for other people, ordinary people, young people to follow their footsteps.”

Kaya daw si Mother Lily ay hindi mapapagod na mag-produce ng pelikula sa buong buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(Mother Lily (right) with daughter Roselle Monteverde.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN