Here's why Direk Cathy Garcia-Molina initially didn't want to work with Dingdong Dantes

IMAGE Allan Sancon

Direk Cathy Garcia-Molina (right) recalled that she watched an old movie of Dingdong Dantes that did not impress her. She said she saw a very different Dingdong when they worked on the Star Cinema film Seven Sundays, which also stars Cristine Reyes (middle).



Inamin ni Direk Cathy Garcia-Molina na noong una ay ayaw niyang makatrabaho si Dingdong Dantes.

Ito ang prankang sinabi ng direktor sa press conference ng Seven Sundays, ang family drama movie kunsaan bida si Dingdong, kasama sina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.

“May isang pelikula si Dingdong na napanood ko, hindi ko sasabihin ang pelikulang yun, pero matagal na ito.

“Sabi ko sa sarili ko noong pinapanuod ko yung pelikula na yun na, ‘Hay! Diyos ko, Lord, ayaw ko ‘tong artistang ‘to.’”

Tumawa nang malakas si Direk Cathy bago siya nagpatuloy, “Napapa ‘Oh My God!’ ako sa acting niya. Yung eksena sa pelikula ay sumisigaw siya.”

Tumingin ang direktor sa GMA-7 actor at sinabi, “Alam mo namang ayaw ko ng mga ganung eksena, di ba? Doon ako lagi sa natural na acting lang at makakatotohanan.

“So, nung time na yun takot na takot akong maging artista ko siya. Kasi baka bigyan niya ako ng ganun kalaking reaksyon, mapapatay ko siya!”

Tumawa uli si Direk Cathy, pagkatapos ay nilinaw niya na hindi ganito ang nangyari nang gawin nila ang Star Cinema movie nilang Seven Sundays.

Ani Direk Cathy, “Pero sa pelikulang ito, kabaligtaran po ang nangyari. I love Dingdong from the first day he set foot on my set—up to now, in fact, I became a fan.

“Kasi no expectation ako, e."

Nang makatrabaho na raw niya si Dingdong, nagbago ang tingin ng direktor sa Kapuso actor.

“Pero noong umaarte na siya, sabi ko sa sarili ko, 'Marunong pala 'to', then ang sumunod kong sinabi sa sarili ko, 'Magaling pala ‘to'. 

“I really appreciate Dingdong here, panuorin niyo siya rito. Lumevel! MY GOD! Kasi sina Tito Ronaldo Valdez at Aga Muhlach may mga marka sa akin na magagaling na artista, so, noong sumabay siya, sobra akong proud of him.

"Attitude? Wala, wala, wala pong attitude!

“Never siyang dumating sa set ko na pagod na at ayaw magtrabaho. I love Dingdong now! I’m a fan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksyon ni Dingdong sa revelation na ito ni Direk Cathy?

“Ang reaksyon ko diyan, in regards with attitude, given naman ‘yan na, na wala akong pinepeke, that’s really who I am in terms of performance. 

“From the start, pinakita na agad ni Direk Cathy ang warmth na karapat-dapat para sa isang family, dahil tulad ng sinabi niya, she sees herself in all the characters, kaya very personal sa kanya ang pelikulang ito.

“Pinakita niya yung ganung energy niya sa amin, kaya wala dapat ibang maibibigay ang mga artista niya dito kundi yung best nila, para magampanan nila nang maayos ang kanilang karakter.

“Umpisa pa lang, alam na namin yun.”

Pinuri rin ni Dingdong ang direktor na tinawag niyang magaling na lider nila habang ginagawa ang pelikula.

“Ako personally, I’m very inspired sa movie na ito kaya sa story conference pa lang namin, gusto ko na agad makilala nang lubos si Direk Cathy.

“She is the captain of the ship. Kaya kung bakit maganda ‘tong pelikulang ito, it’s because of Direk Cathy.”



Stories We Are Tracking

Here's how much <em>Seven Sundays</em> grossed on opening day
Here's how much Seven Sundays grossed on opening day
Aga Muhlach on turning down offers: It's my being overweight
Aga Muhlach on turning down offers: It's my being overweight





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN