Is Jerald Napoles the next "new pogi" after Empoy Marquez?

IMAGE Glen Sibonga

The multitalented Jerald Napoles is happy that comedians are now getting their big break as leading men: "Pag may nagpatawa sa iyo, gusto mo na agad maging friend. May ganun tayo, e. 'Uy, nakakatawa ka, gusto kitang maging friend.' Lalo na kung lagi kang patatawanin ng manliligaw sa 'yo, di ba?"


Handa raw ang komedyanteng si Jerald Napoles kung sakaling maikumpara siya kay Empoy Marquez, na tinatagurian ngayong bagong “Kilig King,” matapos maging blockbuster hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita.

Posible talagang maikumpara si Jerald kay Empoy dahil bida at leading man na rin si Jerald sa romantic-comedy movie na The Write Moment, kasama si Valeen Montenegro, sa ilalim ng direksyon ni Dominic Lim.

“Well, okay lang sa akin. Fan din naman ako ni Empoy, e.

“Actually, before this, tinatanong na ako, ‘O, ano ang masasabi mo, kasi si Empoy ganyan, ganyan…’

“Sabi ko, kung anuman yung nangyari kay Empoy, deserve din naman niya iyon, sa tagal na rin niya sa industriya.

“Ilang beses ko na rin siyang nakatrabaho.

“Lalo na si Valeen [Montenegro], ilang taon niyang nakatrabaho si Empoy.

“Alam namin kung ano yung kaya niyang ibigay, e.

“Kung maikukumpara man ako sa kanya, compliment yun! Kasi, fan din naman ako ni Empoy,” pag-amin ni Jerald.

“THE NEW POGI.” Sa tinatamasa nilang tagumpay ni Empoy, naniniwala ba siyang mga komedyante na ngayon ang hinihirang na “Mga New Pogi”?

Lahad niya, “Oo e, lalo na sa dami ng mga nangyayari sa paligid natin.

“Pag may nagpatawa sa iyo, gusto mo na agad maging friend.

“May ganun tayo, e. ‘Uy, nakakatawa ka, gusto kitang maging friend.’

“Lalo na kung lagi kang patatawanin ng manliligaw sa 'yo, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerald sa presscon ng The Write Moment, na ginanap nitong nakaraang Sabado, October 14, sa Limbaga 77 Café Restaurant, sa Sct. Limbaga, Quezon City.

Ang The Write Moment ay isa sa mga official entries sa 2017 QCinema International Film Festival, na tatakbo mula October 19 - 28, 2017.

Bilang executive producers ng The Write Moment, kasama rin sa festival ang award-winning directors na sina Jun Robles Lana at Perci Intalan ng IdeaFirst Company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE RIGHT MOMENT. Sa tingin ba ni Jerald, ito na ang “right moment” para sa kanya, lalo na sa kanyang career?

Pahayag ng stage/TV actor, “Honestly speaking, oo.

“Kasi, every bagong opportunity, the most percentage that I can give, iyon ang lagi kong ibinibigay.

“So, for me, kung ano yung kahinatnan ng project, iyon yun, e.

“Yun ang right moment, e.

“Well, kasi trained ako sa theater, kaya meron ako ng 'You’re only as good as your last performance.'

“So, hindi ko masabi kung eto na ba yung magdadala sa akin sa kung saan career-wise, or yung magbibigay sa akin ng ganitong role ulit.

“Basta it’s the right moment for me to get the lead role, I think, because pinagkatiwalaan nila ako at nagtiwala ako sa script.

“Ibinigay ko naman kung ano sa tingin ko yung kaya ko.”

THANKFUL. Pero labis ang pasasalamat ni Jerald sa IdeaFirst at kay Direk Dominic sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging bida at leading man.

Nagsi-sink in na ba sa kanya?

“Actually, matagal po mag-sink in sa akin yung ganun.

“Nagpapasalamat po ako.

“Don’t get me wrong, ha? Nagpapasalamat po ako doon.

“Siguro ayoko lang po kasi masyadong namnamin na, ‘Ay, leading man ako!’

“Hindi naman po kasi bagay sa hitsura ko na namnamin yung mga ganung bagay, di ba?" biro ni Jerald.

Ending niya, “So, okay lang na chill lang po ako.” 

Thankful lang din si Jerald na si Valeen ang kapareha niya sa kauna-unahan niyang lead role sa pelikula, dahil kumportable na siyang katrabaho ang aktres, na kaibigan niya in real life at katrabaho pa sa Sunday Pinasaya.

Wish lang daw ni Jerald na sana'y maging big hit sa QCinema ang The Write Moment at marami silang mapasayang manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN