Kim Chiu rejects queen of horror title out of respect for Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu (in photo) is Kris Aquino's favorite among the current crop of Kapamilya lead stars, and they've been in touch. "Nagti-text po kami, nagkakamustahan po kami lagi pag nasa shooting. Sobrang happy raw siya sa akin, napa-proud raw siya sa akin, ganon. Nakakatuwa. Magka-Viber kami," said Kim.



Ayaw tanggapin ni Kim Chiu ang title na Horror Queen na ikinakabit sa kanya ngayong ilalabas na ang ikatlong horror movie project niya.

Sinasabing potential money-maker ito sa box office ngayong November 1.

Ang dalawang naunang pelikula ni Kim na Shake, Rattle & Roll X at The Healing ay kumita sa takilya.

Unang ikinabit kay Kris Aquino ang titulo dahil sa malaking box-office returns ng halos lahat ng mga suspense-drama-horror movies na nagawa niya.

Kabilang dito ang mga mga idinerehe ni Chito Roño na Feng Shui at Sukob.

Kaya giit ni Kim, hindi raw niya puwedeng palitan sa trono si Kris.

Sabi pa niya, “Wala pong ganon, Ate Kris is Ate Kris, nag-iisa lang yun.

“Hindi puwedeng pantayan, hindi puwedeng sapawan.

“Siya po talaga ay isang Kris Aquino na marami nang napatunayan.”

Pero kumita ang mga nakaraan na horror projects ni Kim at posibleng pilahan sa mga sinehan ang latest movie niya.

Paliwanag naman ni Kim, “Nagkataon lang siguro, pero hoping, hoping ako.

“Wala pa naman po akong napatunayan kaya hindi ko pa po matatawag ang sarili kong ganon.

“Sa totoo, kinakabahan ako, sobra lalo na kapag nakikita ko yung poster araw-araw. 

“Parang, ‘My God! Pelikula ko ‘to after 11 years,’ parang ganyan.

“First time ko pong ako lang yung mag-isa sa poster. 

“Nung nakita ko po yung poster, hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko sa sobrang saya. 

“Sobra po, doble-dobleng pressure po ang nararamdaman ko, hindi ko po alam kung sino ang tatawagin kong santo. 

“Lord, sana po panoorin siya nang maraming tao.”

Na-interview si Kim ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ghost Bride na pinagbibidahan niya at dinirehe ni Chito Roño. 

Ginanap ang media launch sa Seafood Wharf sa Binondo, Manila nong Martes, October 17.

KIM AND KRIS. Bakante ang titulong Horror Queen dahil nagpapahinga ngayon si Kris at wala pang malinaw na plano kung kailan ito babalik sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman iginigiit ang titulo kay Kim. Pero ayon sa 27-year-old actress, “Sa kanya lang yun talaga, hindi puwede.

“Si Madame Krissy po talaga yun, wala ng iba…gagawa tayo ng iba[ng title].”

Si Kim ang isa sa mga paboritong Kapamilya stars ni Kris kahit noong contract star pa siya ng ABS-CBN.

Nagkakausap pa rin daw sila, “Nagti-text po kami, nagkakamustahan po kami lagi pag nasa shooting.

“[Nagte-text siya] ‘Hi, Kimmy. Take care sa shooting, say hi to direk Chito,’ ganon.

“Sobrang happy raw siya sa akin, napa-proud raw siya sa akin, ganon. Nakakatuwa.”

“Magka-Viber kami.  Busy rin siya, busy rin kami.

“Ayun, pag may time, dadalawin ko yung bago niyang bahay. 

“Kasi [pag] hindi ako busy, nasa out of the country naman siya.

“Deserve muna niyang mag-rest kasi lately, nagkakasakit siya.

“Pero hindi naman siya nawala siya sa showbiz, nagku-commercial siya, commercial shoot.

“’Tapos yung Crazy Rich Asians, yung international movie niya. Marami siyang pinagkakaabalahan.”

Samantala, nag-react si Kim sa napabalitang hiwalayan nila ni Xian Lim. 

Nagsimula ang tsismis pagkatapos ng Star Magic Ball 2017 at ang paglabas ng music video ng actor-singer kung saan ang beauty queen na si Maxine Medina ang naging leading lady nito.

Ikinagulat ni Kim ang balita kasunod nang pagtanggi sa hiwalayan.

“Ay grabe, grabe sila. Wala naman, wala pa naman pong nangyayaring ganon.”



Stories We Are Tracking

Xian directs 1st music video; explains why he picked Maxine
Xian directs 1st music video; explains why he picked Maxine
Why Kim Chiu had to reshoot scene with idol Alice Dixson
Why Kim Chiu had to reshoot scene with idol Alice Dixson
Is Kim Chiu the next horror movie queen after Kris Aquino?
Is Kim Chiu the next horror movie queen after Kris Aquino?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN