Dingdong teases Enrique Gil about Liza Soberano: "Noon, binabakuran pa lang niya si Liza."

IMAGE Mark Atienza

Dingdong Dantes (right) recalls the beginnings of the romance between Enrique Gil (left) and Liza Soberano: "Naging saksi ako dati, naging witness ako nun. Nagpapakiramdaman pa kayo."



Para kay Dingdong Dantes, malaki ang naging improvement sa pag-arte ni Enrique Gil kumpara noong una silang magkatrabaho.

Una silang nagkasama sa 2013 movie na She The One, at ngayong 2017 ay nagkasama naman sila sa family drama movie na Seven Sundays.

Ang She's The One ay Star Cinema movie kung saan nagsama-sama sina Dingdong, Enrique, at Bea Alonzo. Si Liza Soberano noon ay may maliit ngunit importanteng role naman sa pelikula.

Nang tanungin kung ano ang mga pagbabagong napansin ni Dingdong kay Enrique over the years, biro ng GMA-7 actor, "Noon, ang difference—noon, binabakuran pa lang niya si Liza.

"Ewan ko lang ngayon."

Natawa si Enrique bago niya sinabi, "Hindi ko binabakuran!"

Iginiit ni Dingdong, "Naging saksi ako dati, naging witness ako nun. Nagpapakiramdaman pa kayo nun."

Dahil sa She's The One, nagkakilala nang lubos sina Enrique at Liza at nabuo ang LizQuen love team. Si Liza ay rumored girlfriend ni Enrique ngayon.

Nag-seryoso naman si Dingdong at sinabi nitong nag-iba na si Enrique.

"Siyempre, nag-mature na rin siya," sabi ng GMA-7 actor.

"He's willing to take risks. He's willing to level up lalo na sa performance.

"Ako, as a co-actor, very proud ako. And not just as a co-actor but proud rin ako as a relative by blood."

Hindi naman nalinaw pa ni Dingdong ang family connections nila ni Enrique.

Sa kabilang banda, ano naman ang first impression ni Enrique kay Dingdong?

Ani Enrique, "Noong una kasi hindi pa kami close noon. First time ko siya nakilala sa family reunion.

"Nakita ko siya, and I knew artista siya. I saw you somewhere.

"Bata pa ako nun. Wala pa ko sa showbiz nun.

"Nung She's The One, gumaan ang loob ko kasi first time ko ma-meet si Ate Bea and si Kuya [Dingdong], kasama ko dun.

"Si Liza first time ko rin makilala dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, we got closer na kasi nakakapag-usap na."

ON AGA MUHLACH. All praises naman si Dingdong sa kanyang co-actor na si Aga Muhlach na gumanap bilang kuya niya sa pelikulang Seven Sundays.

“Ako, growing-up, I admit si Aga Muhlach, e, idol ko,” lahad ni Dingdong.

“Kaya rin ako na-convince to get into acting is because of his work also. Pero gusto ko lang din sabihin na ako ay fan of him as an actor, but now, I’m more of a fan of him dahil sa kanyang pagkatao.

“Mas fan ako ng kanyang persona more than him being an actor dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya at nabigyan ako ng pagkakataon na maging younger brother to him, because yung whole process namin of making this film is like the process also of being in a family.

"‘Yan ang pinaramdam niya sa amin, na siya ang kuya naming magkakapatid.”

Ayon pa kay Dingdong, “This is one of the things that I am grateful for as an actor. Bukod sa nakakakilala ka ng ibang actors or fellow actors mo, you get to experience different roles and being brothers to other people.

“Napakasuwerte na siya ang naging kuya ko rito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Dingdong sa ginanap na press conference ng Seven Sundays, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound.

Ayon kay Dingdong, ang pelikula nilang Seven Sundays ang isa sa mga proyektong pinangarap niyang gawin kaya nakaragdag pa sa kasiyahan niya ang makasamang umarte si Aga.

Sabi pa ng GMA-7 actor, “Siyempre, nakikita lang natin ang trabaho ng isang artista on screen, nababasa natin sa dyaryo, online. Pero yung pagkakataon na makilala ang isang tao, it should really be on a personal level.

“And what better way than through a film? Siyempre, kailangan kakilala niyo ang isa’t-isa and yung privilege of getting to know him. Parang maba-validate na bakit niya narating yun, bakit ganyan ang kanyang disposisyon dahil sa kanyang attitude towards life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And very inspiring to hear from successful people kasi sarili nilang kuwento mismo. Talagang sine-share niya sa amin. Hindi na niya kailangang magbigay ng tips dahil yung experience niya mismo sa kanyang buhay, yun na mismo ang makapagsasabi sa ‘yo na, ganito ang buhay.

“It’s not all about work, it’s about family.”

Ang isa raw sa pinakahinangaan ni Dingdong ngayon kay Aga ay ang disposisyon nito pagdating sa pamilya.

“Yung bilang buhay may pamilya at may asawa, dahil ako, may pamilya na rin. Yung lahat ng ito, mawawala. Paggawa ng pelikula, pagkakaroon ng suweldo, pagkakaroon ng kaibigan, pero at the end of the day, babalik at babalik ka sa mga mahal mo sa buhay at yun ang dapat mong pagyamanin more than anything. More than any material things in this world.”

Sa kanilang apat na magkakapatid, ang karakter ni Dingdong na si Bryan ang pangalawa at masasabing pinaka-successful sa kanilang lahat pagdating sa career.

“Ako yung pangalawang lalaki. Ang pangalan ko rito ay Bryan. Parang ang interpretation ko, siya yung middle child. Dahil siyempre sumunod siya sa kanyang kuya, na ang perception ay paborito ng lahat, ang kanyang drive is that he’s always trying to prove himself.

"Hanggang sa hindi na siya masyadong connected sa kanyang mga kapatid. Gumawa siya ng sariling diskarte.”

Naka-relate ba siya sa karakter ni Bryan Bonifacio?

“Well, about po sa nakaka-relate sa character, panganay po kasi ako sa amin, but nakikita ko kahit paano yung sarili ko with some of the traits. Kung anuman yun, hinalo ko na sa interpretation ng pagiging second child.

“Pero ang kagandahan dun sa pagganap sa role, I am able to give life to a character that’s not me and, therefore, I’m able to understand my siblings that way. Siyempre, meron din kaming mga sumunod sa akin. Siyempre, iba-ibang character, iba-ibang personalities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Being in that shoes, I get to see a different perspective. Grateful ako kasi I’m able to do a role like this.”

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan.

(READ REVIEW: Seven Sundays features strong performances from Enrique, Cristine, Dingdong, and Aga)


Stories We Are Tracking

<em>Seven Sundays</em> grosses P90 million in 5 days, says SC
Seven Sundays grosses P90 million in 5 days, says SC
REVIEW: Seven Sundays features strong performances from cast
REVIEW: Seven Sundays features strong performances from cast


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN